Ang Sanaysay Bilang Akdang Pampanitikan Flashcards
(8 cards)
Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin nakapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
Sanaysay
Ito ay isang lohikal o kaya ay kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.
Balangkas
Ayon sa kaniya, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.”
Alejandro G. Abadilla
Uri ng sanaysay
Pormal at di-pormal
Ito ay nagbibigay ng impormasyon, nagbibigay ng mahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay, maingat na salita ang pinipili at hindi kumikiling sa damdamin ng may-akda o
obhektibo.
Pormal
Ito ay nagsisilbing aliwan o libangan, nagbibigay -lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipagusap lamang,
pakikipagkaibigan ang tono at subhektibo dahil pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda.
di-pormal o personal
Ito ay naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyong ipinahahayag ng isang tao. Ginagamitan ito ng panipi.
Tuwirang Pahayag
Dito ay binabanggit lamang ulit kung ano ang sinabi o tinuran ng isang tao. Gumagamit ng pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay sa/kay, ayon sa/kay.
di-tuwirang pahayag