Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota Flashcards
(13 cards)
Ito ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Anekdota
Katangian ng anekdota
a. May isang paksang tinatalakay.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa.
Ito ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat
man o pasalita.
Pagsasalaysay
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
Pagsasalaysay
ILAN SA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA
- Kawilihan ng Paksa
- Sapat na Kagamitan
- Kakayahang Pansarili
- Tiyak na Panahon o Pook
- Kilalanin ang mambabasa
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
- Sariling Karanasan
- Narinig o napakinggan sa iba
- Napanood
- Likhang-isip
- Panaginip o Pangarap
- Nabasa
MGA ELEMENTO ANG ANEKDOTA
- Tauhan
- Tagpuan
- Suliranin
- Banghay
- Tunggalian
- Kasukdulan
Apat na komponent o sangkap upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo,
- Gramatikal
- Sosyo-lingguwistik
- Diskorsal
- Strategic
Ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kaniyang ginagamit at kung angkop ng kaniyang ginagamit na mga salita.
Gramatikal
Ito ang sangkap na magagamit nang nagsasalita ang kalawakan ng kaniyang bokabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Sosyo-lingguwistik
Ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
Diskorsal
Ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbal upang wasto niyang maipahayag ang kaniyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.
Strategic
Ito ay isang kwento na nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Anekdota