Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa ng Tula Flashcards
(13 cards)
Ito ay isang pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng guniguni’t ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma sa taludturan.
Tula
Ang tradisyonal na katangian ng tula’y
- tugma
- sukat
- kariktan
- talinghaga
Ito ay may malayang taludturang hindi nabibilanggo sa sukat at tugma.
Makabagong Tula o ‘di-pormal na tula
Elemento ng Tula
- Tugma
- Sukat
- Kariktan
- Saknong
- Larawang-diwa
- Simbolismo
Ito ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat
taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig.
Tugma
Dalawang uri ng tugma
Patinig at Katinig
Mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumay (walang impit) at malumi o maragsa (may impit). Ang mga patinig na puwedeng magkakatugma ay
mahahati sa tatlong lipon: a, e-i, at o-u.
Tugmang Patinig
Mga salitang nagtatapos sa mga katinig.
Tugmang Katinig
Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong pantig.
Sukat
Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
Saknong
Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Larawang-Diwa
Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o
esensyang taglay ng tula.
Simbolismo
Ito ay ang ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuoan nito.
Kariktan