Ang Tradisyong Prekolonyal Flashcards
Danilo Francisco M. Reyes (14 cards)
ang arkipelago ay nagmula sa mga salitang griyegong ____ at ____.
arkhi : pangunahin
pelagos : dagat
yungib-libingan na ginalugad ng kawanihan ng Pambansang Museo sa pamumuno ni Robert Fox noong 1962
tabon sa palawan
national cultural treasure na hinubog sa panahong mas matanda pa sa marmol ng Parthenon sa Acropolis ng Gresya
bangang Manunggul o Mangunggul Jar
kulay ng tapaya ng bangang Manunggul; ano ang nakaukit sa ulong-takip ito?
pula; isang bangkang itinatawid sa buhay-sa-kabila; sa bugad nito ay nakaupo ang yumaong manlalakbay na nakatiklop ang bisig sa dibdib, may matipunong tagapagsagwan
ano ang ipinapakita ng bangang Manunggul?
ang disposisyong metapisikal ng ating mga ninuno at ang kanilang paghahangad na tumawid sa sinaunang paraiso para maglayag sa imortalidad
manuscript na naglalaman ng mga paglalarawan ng mga tabas, kulay, at palamuti ng prekolonyal na kasuotan noong ika-16 na siglo
Boxer’s Codex
ilarawan ang mga Pintado at Tagalog
(1) Pintado: may putong sa ulo, nakasuot ng bahag, at hitik sa mga tattoo sa padron ng ilog, dalauyong, bundok, at araw
(2) maginoong Tagalog: nakasuot ng cangan, pang-itaas na walang kuwelyo at gintong pulseras sa mga bisig at binti 0 colombigas
prekolonyal na aktumbas ng bayan
kamalayang kolektibo
namayaning paraan ng paglikha at pagpapatibay sa kamalayang kolektibo
salimbibig
itinuturing na paaralang-bayan o “aklat ng mga larawan” ng mga prekolonyal na mamamayan
bugtong
silbi ng epiko
pakikibahagi nito sa pormasyon ng modelong sensibilidad at mga pagpapahalaga na kailangan upang kandiliin ang kolektibong dimensyon ng buhay
tama or mali: sinasalaysay ng almat at simula at wakas ng maraming bagay sa daigdig na prekolonyal
tama
kauna-unahang nayo ng panitikan ng protesta kung saan ginagamit ang elemnto ng katatawanan para isulong ang kritikal na intergoasyon ng mga di makatwirang puwersa sa lipunan
kuwentong bayan
puno ng siste at kabalintunaan; makikilala sa mga salaysay na ito ang politikal na ekonomiya ng mga sinaunang sambayanan at ang mga tensyon na binubuno ng mga uri ng mamamayan
mga pangunahing tema ng panitikang prekolonyal
(1) pangunahing inspirasyon ang kalikasan at kasaysayan ng organikong kapaligiran
(2) kasaysayan ng pagsusumikap na pagtagumpayan ang masalimuot na paligid na pinaamo at hinuhubog ayon sa pangangailangan ng tao