Bugtong, Salawikain, at Tulang Tradisyonal Flashcards
(15 cards)
karaniwang nilalaman ng una at ikalawang taludtod ng bugtong
(1) unang taludtod : pangkalahatang impresyon ng paksa, imahen, at talinghaga
(2) pangalawang taludtod : detalye/imahen na makatutulong upang sagutin ang misteryo ng unang taludtod ngunit nagtataglay pa rin ng kabalintunaan o parikala
itinataguyod ang kontradiksyon sa pamamagitan ng pagsisingit ng mga detalye na tila walang kaugnayan o sumasalungat sa naunang bahagi ng bugtong
oppositional
nagkakaroon ng pagkalito dahil nadaragdag ang mga detalyeng nagpapalubha sa misteryo ng bugtong
non-oppositional
bugtong:
(1) bilang ng pantig sa bawat taludtod
(2) bilang ng taludtod
(3) tugma
(1) 7-8
(2) dalawa
(3) ang dulong tunog ng bawat taludtod ay magkapareho
tono ng bugtong
may siste
paraan ng paglikha: fantastication of objects: eye for the marvelous
sawikain
(1) bilang ng pantig sa bawat taludtod
(2) bilang ng taludtod
(3) tugma
(1) 7-8
(2) dalawa
(3) ang dulong tunog ng bawat taludtod ay magkapareho
nagtataglay ng talinhaga: naglalahad ng piling detalye (hindi abstrakto), tumutukso sa isipan hanggang makarating sa malalim na pag-unawa (insight)
bisa ng bugtong
(1) pagsubok sa talino at talas ng pag-iisip ng tagapakinig/palaisipan
(2) pagtatasa ng alaala
(3) libangan
(4) paaralang-bayan: pamilyaridad sa paligid at lipunan - sinaunang “flash cards,” pabigkas nga lamang
tono ng sawikain
seryoso, malalim
positibong konstruksiyon: paggamit ng humour upang timpiin ang tapang ng aral, nang sa gayon maitawid ang aral nang hindi nakasasakit ng damdamin ng tagapakinig
bisa ng sawikain
(1) praktikal na gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring gamitin sa iba’t-ibang kalagayan
(2) didaktiko - may ibinabahaging aral
(3) binibigyang-halaga ang mga penomenon ng kalikasan at itinutumbas ang mga ito sa kolektibong sitwasyon, kalagayan, o damdamin
(4) matitipid at matalinhagang ekspresyon ng pilosopiyang prekolonyal - okasyon ang pagbigkas sa sawikain para dumukal ng paraan upang pakiharapan ang buhay
tulang tradisyonal:
(1) bilang ng taludtod
(2) mga uri ng tugma btay sa dulong tunog ng bawat taludtod
(3) pangunahing kasangkapan sa pananalinghaga
(4) pangunahing bukal ng pananalinghaga
(1) apat
(2) isahan (aaaa), salitan (abab), sunuran (aabb), inipitan (abba)
(3) tayutay
(4) kalikasan
kalikasan : katulad din ng mga bugtong at sawikain
bisa ng tulang tradisyonal
bisa ng bugtong + bisa ng sawikain
tulang tradisyonal: leron-leron sinta
Leron leron sinta, umakyat sa papaya
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo, nabali ang sanga
Kapus-kapalaran, humanap ng iba
(1) awitin tungkol sa isang mangingibig na umakyat ng ligaw na hindi nagtagumpay, kaya kailangang humanap ng iba
(2) pabiro ang tono at may layuning pagtawanan ang kabiguan ng iba tulad ng madalas mangyari sa maliit na bayan - na walang tagumpay o kabiguan na maitatago sa pag-usyoso ng mapanudyo at madalas ay mapagbirong bayan, dahilan kung bakit ang musika ay allegreto
tulang tradisyunal: puso co, i lulutang lutang
Puso ko ay lulutang lutang
Sa gitna ng karagatan
Ang tanging
tinitimbulang
Titig ng mata mo lamang
- puso : damdamin, sarili, pagkatao
- lumulutang sa gitna ng karagatan : kapahamakan,
kawalan ng layunin/mithiin, kamatayan, takot - timbulan (salva vida) : nagbibigay ng pag-asa o lakas o sigla o tapang o dahilan upang mabuhay
- titig ng mata : katiyakan ng paglingap, ‘di-natitinag na pag-ibig, magandang alaala
iba’t - ibang posibilidad sa puso co, i lulutang lutang
(1) may minamahal : nangungulila siya sa minamahal na naiwan sa tahanan sa isla o sa minamahal na pupuntahan pa lamang
(2) walang minamahal : naghahanap ng mamahalin
(3) mayroon noon, wala na ngayon : nangungulila sa pag-ibig na pinagsaluhan, sa minamahal na hindi na kapiling; at alaala ng minamahal ang nagbibigay ng kapanatagan at katatagan
tulang tradisyunal: soliranin sa pamamangka
agwat ng panahon bilang tagapagtasa kung may tunay bang udyok ang inyong pagmamahalan