AP Flashcards
(31 cards)
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Sex
tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Gender
nakulong matapos lumabag sa Women Driving Ban sa Saudi Arabia
Aziza Al Yousef
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa
Sexual Orientation
ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
Gender Identity
mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
Heterosexual
mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha
Homosexual
sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
Lesbian
mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Gay
mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Bisexual
mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
Asexual
kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
Transgender
ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki
Boxer Codex
Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.
Pre Colonial
Nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
Spanish Period
Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
American Period
Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones. Ginamit sila bilang mga ‘comfort women’ ng mga sundalo.
Japanese Period
isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Female Genital Mutilation
ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
Diskriminasyon
Binaril ng Taliban matapos mag-protesta sa karaoatan ng mga kabataang babae
Malala Yousafzai
Nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwalo mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
Karahasan
Isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
Breast Ironing
Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Foot Binding
Lumakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI)
Yogyakarta