ESP Flashcards
(43 cards)
pagkakaroon ng diwa o espiritu ng tao na sumasalamin sa kabuuan ng buhay niya, kabilang ang kanyang kilos, damdamin, at kaisipan.
Espiritwalidad
ay ang “pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kanya.
Persona
siya ay nilikha na kawangis ng Diyos
Tao
ay isang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
Pananampalataya
“Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.”
Apostol Santiago (Santiago 2:20)
Paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagpuri, pasasalamat, at paghingi ng tawad.
Panalangin
Mahalaga ang katahimikan upang makapag-isip at makapagnilay sa buhay.
Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
Mahalaga ang pagsisimba upang mapalalim ang pananampalataya.
Pagsisimba o Pagsamba
Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay nagpapalalim sa ating pag-unawa sa Diyos.
Pag-aaral ng Salita ng Diyos
Hindi maaaring paghiwalayin ang ugnayan ng tao sa Diyos at sa kapwa.
Pagmamahal sa Kapwa
Ang pagbabasa ng espiritwal na aklat ay tumutulong sa paglago ng pananampalataya.
Pagbabasa ng Aklat Tungkol sa Espiritwalidad
Pagmamahal sa pagitan ng magkakapamilya o malapit na magkakilala.
Affection
Pagmamahal sa pagitan ng magkaibigan na may layunin o koneksyon sa isa’t isa.
Philia
Pagmamahal batay sa pagnanasa at pisikal na atraksiyon.
Eros
Ang pinakamataas na antas ng pagmamahal, kung saan patuloy ang pagmamahal sa kabila ng pagkukulang. Ito ang pagmamahal ng Diyos sa tao.
Agape
Isang moral na isyu sa lipunan na nagdudulot ng:
- Pisikal at sikolohikal (psychic) na pagdepende sa droga.
- Masamang epekto sa katawan at pag-iisip.
- Krimen na may kaugnayan sa droga.
- Pagkawala ng tamang pag-iisip, dahilan ng maling desisyon at pagkakasakit.
- Posibleng pagkamatay ng gumagamit dahil sa sobrang pagkalulong.
Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
Labis na pag-inom ng alak na may negatibong epekto sa:
-Pag-iisip at kakayahang maging malikhain
-Kakayahang magpokus at magtrabaho
-Kalusugan
Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung may disiplina.
Alkoholismo
Ang pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina,
Isang paglabag sa karapatan ng bata na mabuhay.
Aborsyon
natural na pagkawala ng sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis.
Kusa (Miscarriage)
sinadyang pagwawakas ng pagbubuntis sa pamamagitan ng operasyon o gamot.
Sapilitan (Induced)
Sinadyang pagkitil ng sariling buhay. Itinuturing na kasalanan sa Diyos dahil Siya lamang ang may karapatan sa buhay at kamatayan.
Pagpapatiwakal
Isang proseso kung saan pinapadali ang kamatayan ng taong may matinding karamdaman.
Kilala rin bilang “mercy killing” o “painless death”. Karaniwang hinihiling ng may sakit upang maibsan ang paghihirap.
Assisted suicide – ang tulong ng iba upang wakasan ang buhay.
Euthanasia
Mahalaga ang buhay ng lahat ng tao, kahit mahirap o may sakit. Ginawa ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang imahe, kaya’t dapat itong igalang. Ang buhay ay dapat gamitin upang makamit ang kalooban ng Diyos.
Pope Francis
Pagkilala sa papel ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng bansa.
Pagmamahal sa Bayan