BATAYAN Flashcards
(25 cards)
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
-Gustave Flaubert
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa
aklat na Becoming a Nation of
Readers, ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.
Intensibo
Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.
Ekstensibo
Ayon kina Long at Richards (1987),
nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang
isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga
babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng
klase o itinatakda sa anomang asignatura.
Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang
ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng
binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang kahulugan
Ekstensibo
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang
pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa
paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa
ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Scanning
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak angkatumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.
Scanning
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin
ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
Skimming
Mas kompleks ang ____ dahil
nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang
tiyak na impormasyon sa loob nito.
skimming kaysa scanning
Bago Magbasa
- Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto
- Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
- Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
Habang Nagbabasa
1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa;
2) Biswalisasyon ng binabasa;
3) Pagbuo ng koneksiyon;
4) Paghihinuha;
5) Pagsubaybay sa komprehensiyon;
6) Muling pagbasa;
7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng
elaborasyon, organisasyon, at
pagbuo ng mga biswal na imahen
Pagkatapos Magbasa
Pagbuo ng Sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng
pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
• Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng
mga impormasyong nabasa sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mgatauhan sa isang teksto.
Primarya
Itinuturing na magkahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto
Primarya
Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito.
Primarya
Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
Mapagsiyasat
Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman.
Mapagsiyasat
Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto.
Mapagsiyasat
Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
Analitikal
Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Analitikal
Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa.
Analitikal
nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
Sintopikal