saliksik Flashcards
(23 cards)
Akmang uri ng
impormasyon:
Primarya,
Sekondarya, o Tersyarya.
Sa puntong ito, sapat nang malaman na ang isang mahusay na mananaliksik ay nagsisikap na gumamit ng mga
hanguang primarya
Gumagamit lamang siya ng ____upang palakasin ang mga impormasyon mula sa mga hanguang primarya, o kung ang mga hanguang primarya ay hindi abeylabol.
mga hanguang sekondarya at tersyarya
Inaasahan ang mga ___ na makapangalap ng sapat, hindi man ng lahat, na abeylabol na impormasyon. Halimbawa, ang isang mananaliksik sa bisnes ay inaasahang makapag-iinterbyu hindi ng isa lamang kostumer, kundi ng ilan sa mga pinakamahahalagang kostumer. Totoong ang mga estudyante ay hindi naman mga propesyonal na mananaliksik kaya hindi maaaring gamitin ang propesyonal na istandard sa mga estudyante.
akademikong mananaliksik
Pagpili ng Batis ng Impormasyon o Sanggunian
Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika nga, upang masulit ang haypotesis at masuportahan ang mga haka. Sa kasaysayan, halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging kasuotan.
- Mga indibidwal awtoridad,
- Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan, at gobyerno.
- Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik
- Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, jornal at talaarawan o dayari
Ayon kina Mosura, et al. 1999, ang mga hanguang primarya ay:
Ang mga ____ ay mga ulat
pampananaliksik na gumamit ng mga datos mula
sa mga hanguang primarya upang malutas ang
mga suliraning pampananaliksik. Sinulat ang mga
ito para sa mga iskolarli at/o propesyonal na
mambabasa.
hanguang sekondarya
Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kani-kanilang larangan at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan. Maaari ring magamit ang mga datos mula sa mga hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento.
hanguang sekondarya
Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyong para sa sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito.
hanguang tersyarya
Sa mga unang yugto ng pananaliksik, maaaring gamitin ang mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa. Ngunit kung gagamitin ang mga datos mula sa mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling argumento, maaaring hindi mapanaligan ng mga mambabasa ang pananaliksik.
hanguang tersyarya
Dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksik sa ano mang datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon. Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa Internet upang maakses ng mga
hanguang pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga tekstong primarya mula sa reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging mga iskolarling dyornal na abeylabol online.
Mga senyales o indikeytor ng relayabiliti ayon kina Booth, et al. (2008)
Ang hanguan ba ay nilathala ng reputableng tagalimbag?
Ang aklat o artikulo ba ay
peer-reviewed?
Ang awtor ba ay isang
reputableng iskolar?
Kung ang hanguan ay matatagpuan online lamang, inisponsoran ba iyon ng isang reputableng organisasyon?
Ang hanguan ba ay napapanahon?
Kung ang hanguan ay aklat (maging artikulo), mayroon ba iyong bibliyograpiya?
Kung ang hanguan ay isang web site, kakikitaan ba iyon ng mga bibliyograpikal na datos?
Kung ang hanguan ay isang website, naging maingat ba ang pagtalakay sa paksa?
Ang hanguan ba ay madalas na binabanggit o sina-cite ng iba?
Pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin dito kundi ang kopyahin ang ideya mula sa sanggunian. Kailangang ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi. Tiyakin lamang na wasto ang pagkakakopya ng mga datos at hindi nababago sa proseso ng pagkopya. Tulad ng kailangan ding lagyan ng tala kung pang-ilang ideya na ito mula sa sangguniang ginagamit.
Tuwirang Sipi
____ ay isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.
Ang buod o sinopsis
Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay __
pruned o cut-down statement
Ibig sabihin, ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de bista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.
presi
Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 porsyento hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na akda. Maaaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaring ito ang sentral na ideya o sintesis ng mahahalagang ideya.
presi
Hindi na isinasama rito ang mga estadestika, paglalarawan ng detalye, halimbawa o talinhaga liban na lamang kung taglay na ito ang mga ideyang hindi maipapahayag sa ibang paraan.
presi
Bukod sa pagiging maikli at tiyak, kinakailangang panatilihin ang punto de bista ng akda. Halimbawa, kung gumagamit ang akda ng punto de bistang ako kinakailangang nasa ganitong punto de bista rin ang presi. Hindi maaaring lumipat sa pangalawa o pangatlong panauhan.
presi
Ang ___ ay isang hustong paglalahad ng mga ideyang gamit ang higit na payak na salita ng nagbabasa.
hawig o paraphrase
Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig. Sa pamamagitan ng hawig, nagagawang higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal o anomang akdang mahirap intindihin. Bukod dito, ang paggawa ng hawig ay pagsasanay sa maingat at mapanuring pagbasa. Hindi maisasalin sa higit na simpleng salita ang isang akda o ideya kung hindi mauunawaan nang husto ng isang mambabasa.
hawig o paraphrase
Mahalaga ang kasanayan sa pagsasalin sapagkat hindi naman lahat ng mga babasahin sa pananaliksik ay nasusulat sa Filipino. Sa Pilipinas, karamihan sa mga babasahing akademik ay nasusulat sa Ingles; may ilan din namang nasusulat sa mga wikang rehiyonal. Mahalaga, kung gayon, na matutunan ang pagsasaalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng impormasyong magagamit sa pananaliksik.
salin
Ang ___ay pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuhol ang mga pangunahing puntong pinatunayan sa isang akda. Maaari din naman itong matagpuan sa pagtatapos ng mga pangunahing paksa tinatalakay bilang pagbibigay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago sumulong sa susunod na talakayin.
sintesis