Gabay ng Pampagkatuto Blg. 3 Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat/Tektong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento Flashcards
(32 cards)
ginagamit ng isang may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kanyang isinulat.
tekstong nanghihikayat (persuasive)
ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
Tekstong Persuweysib
Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumamit siya ng mga patunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.
Tekstong Persuweysib
ay isang paraan ng panghihikayat sa mga mamimili upang tangkilikin ang isang partikular na produkto o serbisyo.
patalastas
Ang tono ng tekstong nanghihikayat ay maaaring:
- nangangaral (preaching)
- nag-uuyam (sarcastic)
- naghahamon (challenge)
- nagagalit (angry)
- nambabatikos (criticize)
- natatakot (fearful)
- nasisiyahan happy)
- nalulungkot (sad)
- nagpaparinig (hinting)
Paraan ng manunulat upang makahikayat ayon kay Aristotle
- Ethos
- Logos
- Pathos
- Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
- Ang manunulat o may-akda ay kinakailangang magsulat nang may kalinawan sa mga nagsasalungatang (contrary) ideya upang hindi makabuo ng kalabuan sa mga mambabasa.
Ethos
- Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
- Ginagamit kapag may nais patunayan.
- Gumagamit ang may-akda ng mga piling-piling salita na nagtataglay ng kapangyarihang mapaniwala ang bawat mambabasa
- Logos
- Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-akda upang mahikayat ang mga mambabasa.
- Paglalapat (impose / apply) ng saloobin, maging ito man ay galit, masaya, nangungutya (mocking), at iba pa sa teksto o paksang isinulat
- Pathos
Mga Elemento sa Pagbuo ng isang Mahusay ng Tekstong Nanghihikayat (Persuasive)
1.Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan
2. Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa
3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin
4. Pagbuo at pagpahayag (proclaim) ng kongklusyon
5. Mapaniwala ang mambabasa na ang kongklusyon muna sa napagkasunduang katotohanan
6. Magkaroon ng tiwala sa sarili
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat (Persuasive)
- Piliin ang iyong posisyon.
- Pag-aralan ang iyong mga mambabasa.
- Saliksikin (research / explore) ang iyong paksa.
- Buuin mo ang iyong teksto
Mga Estratehiya sa Tekstong Nanghihikayat (Persuasive
1.May personal na karanasan
2. May humor o katatawanan
3. May katotohanan at mga estadistika (statistics)
4. Sumasagot sa argumento
5. May hamon (challenge)
6. May panimula, katawan, at kongklusyon
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSWEYSIB
- Malalim na pananaliksik - Hindi sapat na sabihing tama ang isang paninindigan kung walang tiyak na datos na susuporta rito.
- Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa. - mulat ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu
- Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. - Ito ay upang epektibong masagot an g laganap na paniniwala ng mambabasa
Layunin ng _____ ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
tekstong naratibo
Nagkukuwento ang tekstong naratibo ng mga serye ng pangyayari na maaring
Piksiyon
Di-Piksyon
Ayon kay ______ sa kanyang artikulong “Ideolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan” na nasa aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan,” kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Dahil para sa kanya, ang mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan
Patricia Melendrez-Cruz (1994)
iba’t ibang elemento ng tekstong naratibo
- PAKSA - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan
- ESTRUKTURA - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento
- ORYENTASYON - Ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento ay nakapaloob dito.
- PAMAMARAAN NG NARASYON - Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
- KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN.
- RESOLUSYON
Iba’t Ibang Paraan ng Narasyon
Diyalogo.
Foreshadowing.
Plot Twist.
Ellipsis
Comic Book Death
Reverse Chronology.
In medias res.
Deus ex machina (God from the machine)
Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
Diyalogo
Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
Foreshadowing
Tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento
Plot Twist
Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
Ellipsis
Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.
Comic Book Death
Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
Reverse Chronology