Introduksyon sa Pagsasalin Flashcards
(16 cards)
Paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulaang wika papunta sa tunguhang wika.
Pagsasaling - Wika
ito ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”
pagsasaling wika
ito ang tawag dito sa Ingles at katumbas ito ng sinabi ni Savory (1968) na: A translation must give the words of the original. Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng mga wikang tinatalakay.
Salita-sa-Salita/Word-for-word translation
Sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan naman ang
estrukturang gramatikal ng SL. Kung paano inihanay ang mga salita sa SL, gayon din ang ginagawang paghahanay ng mga salita sa TL. Dahil
dito, nagkakaroon ng problema sa madulas na
daloy ng salin.
Matapat
Sa metodong ito, ang estruktura ng SL an sinusunod at hindi ang natural at mas madulas na daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan (primary sense) ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.
Literal
Tinatangka nitong ilipat sa salin ang eksaktong kahulugan ng kontekstwal ng orihinal, gamit ang istrukturang pansemantika at sintaktika ng TL.
Semantiko
Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na ito sa orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula at dula na halos tono na lamang o pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin.
Adaptasyon
Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.
Malaya
Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang magiging madulas at natural ang daloy ng TL. Ginagamit dito ang idyoma ng TL at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag ang mensahe sa paraang kawili-wiling basahin.
Idyomatiko
Tinatangka nito na matamo ng salin ang epektong dulot ng orihinal na teksto sa mga mambabasa.
Komunikatibo
Ito ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulaang wika patungo sa tunguhang wika nang walang pagbabago sa ispeling.
Transference (Adapsyon)
May isa-isang pagtutumbasan ng mga salita sa salita parirala sa parirala, sugnay sa sugnay o pangungusap sa pangungusap. Kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito.
One to One Translation
May mga pagkakataong hindi ginagamit ang literal na tumbas upang higit na maging angkop at natural ang salin.
Lexical Synonym
May pagkakahawig sa transference ngunit inilalapat muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa tunguhang wika. Ito ay adapsyon ng salita mula sa simulaang wika na sinusunod ang pagbabaybay ng tunguhang wika.
Naturalisasyon
Ito ang malapit o halos wastong salin na kung saan ang isang kultural na salita sa orihinal na wika ay isinasalin sa katimbang ding kultural na salita sa tunguhang wika.
Cultural Equivalent
Ito ay pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan (deculturalizing the language).
Functional Equivalent