Yunit 1 & 2 Flashcards
(52 cards)
Ayon sa kanya ang Wika ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong pantao.
Hutch
Sa pag-aaral niya, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
Constantino (2007)
Ayon sa kanya, Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o anumang saloobin.
Mendoza , 2007
Sinabi niya , ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
Gleason
Naniniwala siya na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang gingalawan.
Dr. Fe Oranes (2002)
KALIKASAN NG WIKA
Ang lahat ng wika ay…
• Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.
• Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o
sagisag
• Ang lahat ng wika ay may estruktura.
• Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
• Ang lahat ng wika ay dinamiko.
• Ang lahat ng wika ay arbitraryo
Noong ———, bunsod ng petisyon ng Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino ( Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo.
Abril 2015
• Noong ——— naman ay inilabas ng CHED ang
CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema.
Abril 2018
CHED
Commission on Higher Education
GEC
- General Education Curriculum
TRO
- Temporary Restraining Order
Anong nangyari noong Abril 2015
Noong Abril 2015, bunsod ng petisyon ng Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino ( Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo.
Anong nangyari noong Abril 2018
• Noong Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang
CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema.
FILIPINO ang WIKANG ginagamit ng mga naninirahan sa
PILIPINAS, ang pambansang wika ng mga PILIPINO.
SALIGANG BATAS 1987, ARTIKULO XIV, SEKSYON 6
——— o nangunguna sa lahat ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.
Primus interes pares
Sa kasalukuyan, dahil sa K to 12, sa unang mga taon sa elementarya, ang namamayaning wika o inang wika ay ang sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa patakaran ng
Mother Tongue
-Based Multilingual Education (MTB-MBLE)
Ayon sa kanya “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa”na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis na pagkakaunawaan at pagsibol ng
“damdaming pagkakaisa”.
( Almario, 2014)
Ayon sa kanya , ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay -tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera, at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.
Gimenez Maceda (1997)
Sa panahon ng———, pandaigdig sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng taripa, nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon.
globalisasyon
Ayon kay ——— sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino.
Lumbera (2003)
Para kay Lumbera na tagapagtaguyod ng makabayang edukasyon, ————
ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan.
Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies iba-iba man ang katawagan, ang ubod ng mga terminolohiyang ito’y tumutukoy sa FILIPINO bilang larangan, bilang isang disiplina na esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang partikular na usapin”, Ito ay ayon kay…
( Guillermo 2014
Sa artikulong “Intelektuwalismo sa Wika” nilinaw ni——— ang kahalagahan ng ganap na intelektwalisasyon ng paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo:
“Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito’y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip”.
Constantino (2015)
Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat———
gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.