Mga Ekspresyong Nagpapakita ng Kaugnayang Lohikal at Dokumentaryong Pantelebisyon Flashcards
(25 cards)
Pangangatwiran o pagkakataong ginagamitan ng mga katwiran o tumpak na pagkukuro.
ang kahulugan ng “lohika”
Konsepto sa pagpapahayag na higit na nagiging makabuluhan kung ito ay pinag-uugnay at pinagsasama.
ang kahulugan ng “lohikal”
Ano ang apat na uri ng lohikal na ugnayan?
- Dahilan at bunga
- Layunin at paraan
- Paraan at resulta
- Kondisyon at kinalabasan
Ano ang layunin ng hudyat ng kaugnayang lohikal na dahilan at bunga?
Ipinapakita ang sanhi at bunga ng isang pangyayari.
Anong mga salita ang ginagamit sa kaugnayang lohikal na dahilan at bunga?
Sapagkat, pagkat, palibhasa, bunga, kaya, kasi, dahil.
Ano ang halimbawa ng pangungusap na may lohikal na ugnayang dahilan at bunga?
Nag-aral siya nang mabuti kaya naman natuto siya nang husto.
Ano ang layunin ng hudyat ng kaugnayang lohikal na layunin at paraan?
Ipinapakita kung paano nakamit ang isang layunin sa tulong ng isang paraan.
Anong mga salita ang ginagamit sa kaugnayang lohikal na layunin at paraan?
Upang, para, nang.
Ano ang halimbawa ng pangungusap na may lohikal na ugnayang layunin at paraan?
Nag-aral siyang mabuti upang sa ganoon ay matuto nang husto.
Ano ang layunin ng hudyat ng kaugnayang lohikal na paraan at resulta?
Ipinapakita kung paano nakukuha ang isang resulta.
Anong mga salita ang ginagamit sa kaugnayang lohikal na paraan at resulta?
Sa, dahil, kasi.
Ano ang halimbawa ng pangungusap na may lohikal na ugnayang paraan at resulta?
Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.
Ano ang layunin ng hudyat ng kaugnayang lohikal na kondisyon at kinalabasan?
Ipinapakita ang relasyon ng kondisyon sa maaaring kinalabasan.
Anong mga salita ang ginagamit sa kaugnayang lohikal na kondisyon at kinalabasan?
Kung, kapag, sana, sakali.
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may lohikal na ugnayang kondisyon at kinalabasan (salungat sa katotohanan).
Kung nag-aral ka nang mabuti, sana ay natuto ka nang husto.
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may lohikal na ugnayang kondisyon at kinalabasan (haypotetikal).
Kapag nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto.
Kalipunan ng mga dokumento na nagpapakita ng katibayan at ebidensya tungkol sa isang paksa.
dokumentaryo
Isang palabas na naghahatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-aralang impormasyon tungkol sa mga isyu, kultura, at pamumuhay sa lipunan.
dokumentaryong pantelebisyon
Bakit maituturing na isang sining ang dokumentaryong pantelebisyon?
Dahil ito ay nagbibigay ng tiyak at totoong impormasyon na gigising sa isip at damdamin ng tao tungkol sa isang isyu.
Ano ang ginamit na teknolohiya upang makapagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon?
Digital technology tulad ng blog at social media.
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon? (Magbigay ng tatlo)
- Unawain kung sino at ano ang inaasahan ng mambabasa.
- Alamin ang iba’t ibang istilo sa pagsulat.
- Sumulat nang malinaw at may pokus.
Bakit mahalaga ang pananaliksik sa pagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon?
Upang maging makatotohanan at puno ng impormasyon ang dokumentaryo.
Magbigay ng isang isyung panlipunan na maaaring gawing paksa sa dokumentaryo.
Halimbawa: Kahirapan, kawalan ng trabaho, epekto ng climate change.
Ano ang maaaring gawin upang gawing mas kawili-wili ang isang dokumentaryo?
Mag-ugnay ng mga popular na personalidad na may kaugnayan sa paksa.