Nobela Flashcards
(35 cards)
Isang akdang pampanitikan na binubuo ng maraming kabanata at inilalathala bilang isang buong aklat.
nobela
Ano ang pangunahing tema ng Dekada ’70?
Ang epekto ng Martial Law sa isang pamilyang Pilipino, lalo na kay Amanda Bartolome at sa kanyang limang anak.
Ano ang sinisimbolo ng pamagat na Dekada ’70?
Ang panahon ng Martial Law noong 1970s sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos.
Sino ang sumulat ng Dekada ’70?
Lualhati Bautista
isang Pilipinong manunulat, nobelista at aktibista.
Lualhati Bautista
Isang maybahay na nagkaroon ng bagong pananaw sa buhay dahil sa mga karanasang dulot ng Martial Law.
Amanda Bartolome
Siya ang panganay na anak ni Amanda na naging komunista at lumaban para sa isang makatarungang lipunan.
Jules
Siya ay biktima ng salvaging—natagpuan siyang patay na may maraming saksak at senyales ng matinding pagpapahirap.
Jason
Ano ang ipinapakita ng Dekada ’70 tungkol sa lipunan?
Ipinapakita nito ang pang-aapi at kawalan ng hustisya noong panahon ng Martial Law, pati na rin ang paglaban ng mga mamamayan para sa kanilang karapatan.
Paano nagbago si Amanda sa nobela?
Mula sa pagiging isang tahimik na maybahay, natutunan niyang lumaban para sa kanyang pamilya at sa sarili niyang paniniwala.
llan ang naging anak ng pangunahing
tauhan?
5 (Jules, Gani, Em, Jason, Bingo)
Ano ang Dekada ’70?
Isang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista na naglalahad ng epekto ng Martial Law sa isang pamilyang Pilipino.
Kailan naganap ang mga pangyayari sa Dekada ’70?
Noong dekada 1970, sa panahon ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos.
Ano ang pangunahing tunggalian sa Dekada ’70?
Ang tunggalian sa pagitan ng isang konserbatibong pamilya at ng mga makabayang adhikain ng kabataan sa panahon ng diktadura.
Sino ang pangunahing tauhan sa Dekada ’70?
Si Amanda Bartolome, isang maybahay na nakaranas ng malaking pagbabago sa kanyang pananaw dahil sa mga pangyayari sa kanyang pamilya at sa bansa.
Ano ang pangunahing katangian ni Amanda Bartolome?
Siya ay isang mapagmahal na ina at asawa na kalaunan ay natutong lumaban para sa kanyang sarili at sa kanyang mga anak.
Siya ang asawa ni Amanda na may tradisyonal at konserbatibong pananaw sa buhay, lalo na sa kanyang pamilya.
Julian Bartolome
Ano ang dahilan ng alitan nina Amanda at Julian Bartolome?
Dahil sa kawalan ng boses ni Amanda sa desisyon ng pamilya at sa hindi niya matanggap ang pagiging malamig at walang pakialam ng kanyang asawa.
Siya ang panganay na anak na sumali sa kilusan laban sa diktadura, nanindigan para sa isang makataong lipunan.
Jules
Bakit pinili ni Jules sumali sa kilusan?
Dahil nais niyang lumaban para sa katarungan at pantay na karapatan sa ilalim ng isang mapanupil na gobyerno.
Ano ang naging kapalaran ni Jason?
Siya ay dinukot, tinorture, at pinatay (salvaged) ng mga awtoridad nang walang malinaw na dahilan.
Ano ang simbolismo ng pagkamatay ni Jason?
Ipinapakita nito ang kawalan ng hustisya at brutalidad ng Martial Law, pati na rin ang panganib na dulot nito sa mga inosenteng mamamayan.
Ano ang naging reaksyon ni Amanda sa pagkamatay ni Jason?
Lubos siyang nasaktan at lalong namulat sa kalupitan ng gobyerno.
Siya ang pinakamatalino sa magkakapatid at isang mamamahayag na tumutuligsa sa Martial Law sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat.
Em