Wika Flashcards
(16 cards)
Kalipunan ng mga simbolo, tunog, at bantas upang maipahayag ang kaisipan.
Wika
Ginagamit natin ito sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
wika
ano ang dalawang uri ng wika?
Pormal at Impormal na Wika
Wika na ginagamit sa opisyal na komunikasyon sa akademya at pamahalaan.
pormal na wika
Wika na ginagamit sa pangkaraniwang komunikasyon.
impormal na wika
Ano ang limang antas ng wika?
- Pambansa
- Pampanitikan
- Lalawiganin
- Balbal
- Kolokyal
Opisyal na itinakda ng batas at ginagamit sa buong bansa.
pambansang wika
Saan ginagamit ang pambansang wika?
Sa aklat, babasahin, at paaralan.
Maanyong wika na ginagamit sa panitikan, madalas matalinghaga.
pampanitikang wika
• Makati ang dila – madaldal
• Naniningalang-pugad – nanliligaw
• Katoto – kaibigan
halimbawa ng pampanitikang wika
Ginagamit sa partikular na pook at may sariling punto o accent.
lalawiganing wika
• Malakat (Hiligaynon) – aalis
• Maupay (Bisaya) – maganda
halimbawa ng lalawiganing wika
Slang, “panlansangan” o “pangkalye,” pinakamababang antas ng wika.
balbal na wika
• Bagets – kabataan
• Charing – biro
• Datung – pera
halimbawa ng balbal na wika
Pang-araw-araw na wika na pinaikli o pinagsamang salita.
kolokyal na wika
• Pa’no – paano
• P’re – pare
• Te’na – tara na
halimbawa ng kolokyal na wika