Module 2 - Pagkilala sa akademikong sulatin Flashcards
(31 cards)
Ano ang pananaw ni ROGERS 2005 tungkol sa pagsulat?
Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong lingguwistikong pahayag.
Ano ang pananaw ni DANIELS & BRIGHT, 1996 tungkol sa pagsulat?
Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag.
Tama o Mali. Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may katumbas na makabuluhang tunog at isinaayos ang mga panandang ito upang makabuo ng makabuluhang salita o pangungusap.
Tama
Masistema ang pagsulat dahil_______
ginagabayan ito ng mga batas sa gramatika.
Ang pagsulat ay nakadepende sa ___. Kung walang ____, walang pagsulat.
Wika
Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. Tama o Mali?
Tama
Ang pagsulat ay isang paraan ng ______
pagrerekord at pagpepreserba ng wika.
Ano ang pananaw ni FISCHER, 2001 sa pagsulat?
Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat.
Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa _____
kultura at tao.
Ano ang pananaw ni GOODY, 1987 sa pagsulat?
Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon.
Sa madaling salita, ang pagsulat ay ______
Ang pagsulat ay alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa kumbensiyonal, (mala) permanente, at di nakikitang simbolo.
Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay paghahatid ng mensahe ng tao, opinyon man o kaalaman sa pamamagitan ng ________
titik o simbolo
Ano ang sinasabi sa akademikong sulatin?
Ang pagsulat ay isang pangangailangan.
Bakit nagsusulat ang tao (ng akademikong sulatin) ?
Upang tugunan ang mga personal na pangangailangan o upang tugunan ang mga akdemiko at propesyunal na pangangailangan.
Ano ang sinasabi ng Akademikong Sulatin tungkol sa manunulat?
Ang mahusay na manunulat ng Akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, magorganisa ng ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
Ano ang mga layunin ng akademikong sulatin?
Magpabatid
Mang-aliw
Manghikayat
Ano ang sinasabi sa layunin na magpabatid?
Ang impormatibong akademikong sulatin ay nagbibigay ng kaalaman at paliwanag.
Halimbawa: Encyclopedia Ulat na nagpapaliwanag sa estadistika papel na nagpapaliwanag ng konsepto sulatin tungkol sa kasaysayan Tesis
Ano ang sinasabi sa layunin na mang-aliw?
Sa kasalukuyan, tanggap na ang mga personal at malikhaing akda bilang mga halimbawa ng akademikong sulatin. Bukod sa nagbibigay impormasyon, nagbibigay din ito ng aliw sa mga mambabasa.
Hal: Autobiography Diary Memoir Liham
Iba pang mga halimbawa ng kritikal o akademikong akda na naisusulat sa paraang malikhain:
rebyu
pagsusuri
talatang pangkasaysayan
Ano ang sinasabi ng layunin na manghikayat?
May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang isang mambabasa na pumanig sa isang paniwala, opinyon o katuwiran.
Hal: Konseptong papel Mungkahing saliksik Posisyong papel Manifesto Editoryal Talumpati
Ano-ano ang mga ginagamit sa isang akademikong sulatin upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya?
Depinisyon Enumerasyon Order Paghahambing o pagtatambis Sanhi at Bunga Kalakasan at Kahinaan Problema at Solusyon
Ano ang gamit ng DEPINISYON sa akademikong sulatin?
Pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
Ano ang gamit ng ENUMERASYON sa akademikong sulatin?
Pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. Halimbawa, ayon sa uri, lahi, kulay, kasarian, panahon, interes atbp.
Ano ang gamit ng ORDER sa akademikong sulatin?
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.