Module 3 - Pagsulat ng Abstrak Flashcards
Ano ang Abstracum?
Pinagmulan ng salitang abstrak.
Ano ang Abstrak?
Maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.
Ipinaaalam sa mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
Unang tinitignan ng mambabasa.
Maituturing na mukha ng akademikong papel.
2 uri ng abstrak:
Deskriptibo
Impormatibo
Kalikasan at Bahagi ng abstrak
Karaniwang isang pangungusap lamang ang bumubuo sa bawat bahagi ngunit may kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung paano aayusin ito.
Deskriptibong Abstrak
- Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.
- Nakapaloob ang kaligiran, layunin, tuon ng papel o artikulo.
- Hindi na isinasama ang pamamaraang ginamit, kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon.
- Karaniwang ginagamit sa papel sa humanidades at agham panlipunan at sa mga sanaysay na sikolohikal.
Ang deskriptibong abstrak ay kilala din bilang?
limitadong abstrak o indikatid abstrak.
Nagbibigay ito ng deskripsyon sa SAKLAW pero hindi nagtutuon sa Nilalaman. Maihahambing sa talaan ng nilalaman na nasa anyong patalata.
Impormatibong Abstrak
- Ipinapahayag ang mahahalagang ideya ng papel.
- Binubuod ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta at konklusyon ng papel.
- Maikli, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
- Karaniwang ginagamit sa agham at inhinyera o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
Kilala din bilang ano ang impormatibong abstrak?
Ganap na abstrak.
-Ang uring ito ay naglalagom sa istruktura ng papel sa mga pangunahing paksa at mahahalagang punto.
Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak
Basahing Muli ang papel
Isulat ang unang draft ng papel.
Irebisa ang unang draft.
I-proofread ang pinal na kopya.
Kahulugan ng BASAHING MULI ANG BUONG PAPEL
Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. hanapin ang: LAYUNIN, PAMAMARAAN, SAKOP, RESULTA, KONKLUSYON, REKOMENDASYON o iba pang bahagi na kailangan.
Kahulugan ng “Isulat ang unang draft ng papel.
Irebisa ang unang draft.”
Huwag kopyahin ang pangungusap. Ilahad ang impormasyon gamit ang sariling salita.
Isulat ang unang draft ng papel.
“Irebisa ang unang draft.”
Tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon, magdagdag ng mahahalagang impormasyon. Tiyakin ang ekonomiya ng mga salita, at iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.
Mga katangian ng mahusay na Abstrak
- 200-250 0 250-500 na salita lamang
- Gumagamit ng simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili bilang yunit ng impormasyon
- Kompleto ang mga bahagi
- Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
- Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.