Module 1 - Pagsulat Flashcards
Ano ang pagsulat?
Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Ano ang sinabi ni Cecilia Austera, et al. tungkol sa pagsulat?
ISANG KASANAYAN na naglundo ng mga kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Ano ang sinabi ni Edwin Mabilin, et al tungkol sa pagsulat?
Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais nyang ipahayag sa pamamagitan ng paglipat ng kaalaman sa papel o anumang maaaring pagsulatan.
Ano naman ang sinabi ni Rivers, 1975 tungkol sa pagsulat?
Isang KOMPLEKS NA PROSESO na nagsisimula sa pagkuha ng kasanayan (self-getting) hanggang sa kasanayang ito ay aktwal na nagagamit (self-using).
Ano ang kahulugan ng pagsulat?
Ito ay Makabuluhan at may lalim na mas mataas na edukasyon o kolehiyo.
Halimbawa ng akademikong sulatin (Mga karaniwang Anyo):
Akademikong Sanaysay Pamanahunang Papel Konseptong Papel tesis Disertasyon Papel pang-kumperensya Abstrak Book Report Pagsasaling-Wika Aklat Rebyu
Halimbawa ng mga Akademikong Sulatin (Mga tinipon at nilagom na mga kaalaman):
Sulating pang-ensayklopedya Artikulo Bibiliografiya Annonated na Katalog Panunuring Pampanitikan Antolohiya Pasalitang testimonya Mga tinipong Sulatin Konseptong Papel
Iba pang halimbawa ng mga akademikong sulatin:
Form na pang-administratibo Opinyon Mga rebyung pampanitikan o aklat Position paper Awtobiograpiya Artist's Book Memoir Mga Sulating Ekspositori
Ano ang katangian ng pagsulat?
Karaniwang ginagamitan ng mga akademikong sanaysay na iba ang katangian kung ihahambing sa malikhain (panliteratura) at personal na sulatin.
Ano ang manunulat?
May kakayahang bumuo ng mga ideya
Ano ang layunin ng manunulat?
Magpahayag at mag-ulat. mag-analisa at magbuo ng malinaw na pananaw.
Ano ang kailangan isaalang-alang sa mga mambabasa?
Ang kakayahan ng babasa at kakayahang bumuo ng mga konsepto.
Ano ang layunin ng mga mambababsa?
Magbigay alam o kumuha ng impormasyong gagamitin sa pagsulatng research paper.
Ano ang proseso ng pagsulat BAGO MAGSULAT?
tukuyin ang paksa
Ano ang mga paraan sa pagbuo ng paksa?
Brainstorming
Clustering
Outlining
Focused Freewriting
Ano ang brainstorming o baliktaktakan ng ideya?
PAGLILISTA ng mga paksang kaugnay sa interes ng manunulat. Kaugnay ng kanyang paglilista ay ang pagkokonsidera ng kanyang kaalaman at kakayahang linagin ang paksang nabanggit. Matapos nito, maaaring pumili ang manunulat ng isang paksang lilinangin.
Ano ang focused freewriting?
ISANG PAGSUBOK NA LINANGIN ANG MGA PAKSA sa nasabing working outline mula sa ideya tungo sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Sa paggawa nito ang manunulat ay susubok gumawa ng burador o rough draft. Binubuo ito ng panimulang talata, pangkatawang talata, at pampinid na talata.
Ano ang clustering?
Pagbibigay ng iba pang salita o ideya na halos kaparehas din ng pangunang salita o paksa.
Ano ang outlining?
Paggawa ng balangkas na makakatulong sa pagoorganisa ng isang papel.