Piling Larang Flashcards
(86 cards)
tumutukoy sa mga nabuo, nasulat, o nagawang mga sulating pang-akademiko.
Akademikong Sulatin
makabuluhan, siksik sa impormasyon, at may lalim na makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan
Akademikong Sulatin
“intelektuwal na pagsulat”
Akademikong Sulatin
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
Sanaysay
Liham
Pamanahong Papel
Talumpati
Kalikasan ng Akademikong Sulatin
Katotohanan
Balanse
Ebidensya
ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan
Katotohanan
gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw
Balanse
gumamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
Ebidensya
Katangian ng Akademikong Sulatin
- Kompleks
- Pormal
- Tumpak
- Obhetibo
- Eksplisit
- Wasto
- Responsable
Paano nagiging Kompleks ang isang akademikong sulatin?
ito may higit na mahahabang salita, mas mayamang bokabularyo at kompleksidad ng gramatika
Paano nagiging Pormal ang isang akademikong sulatin?
Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.
Paano nagiging Tumpak ang isang akademikong sulatin?
ang mga datos tulad ng mga facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.
Paano nagiging Tumpak ang isang akademikong sulatin?
ang mga datos tulad ng mga facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.
Paano nagiging Eksplist ang isang akademikong sulatin?
Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
Paano nagiging Wasto ang isang akademikong sulatin?
Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita.
Paano nagiging Responsable ang isang akademikong sulatin?
maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng ebidensya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
nagbibigay ng ideya at impormasyon sa paraan ng obserbasyon , pananaliksik, at pagbasa
Akademikong Pagsusulat
awdyens ay mga skolar, mag-aaral, skolar at buong akademikong komuninad
Akademikong Pagsusulat
layunin nitong magbigay ng sariling opinyon na batayan ay sariling karanasan, pamilya, at komunidad.
Di-akademikong Pagsusulat
awdyens nito ay ang publiko.
Di-akademikong Pagsusulat
Ayon kay Cummins, ito rin ay maaring tawagin na Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) dahil ito ay praktikal, personal, at impormal na gawain
Di-akademikong Pagsusulat
Paglalarawan sa pasalitang pakikipag-usap o pakikipagtalastasan
Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)
kapag ang wika na sinusuportahan ng mga kontekstong nagbibigay pahiwatig tulad ng paggamit ng mga bagay, larawan, tsart, at iba pa mula sa ating paligid, berbal, at di-berbal na paraan ng pakikipag-komunikasyon ay nagbibigay ng pagkakataon upang magkaroon ng interaksyon (harapan man ito o hindi) sa isa’t isa.
Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)
Ang mga mag-aaral ng Wikang Ingles ay makauunawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagbibigay pansin sa reaksyon ng iba
- Pagbatay sa paraan ng pagsasalita (sa intonasyon, diin, at hinto)
- Pagmamasid sa larawan, bagay at iba pang kontekstong pahiwatig na ipinakita at
- Pag-uulit ng mga sinabing hindi agad na maunawaan.