Week 3 Flashcards
(11 cards)
isang agham panlipunan kung saan sentral na pinag-aaralan ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at lipunan
ekonomiks
Mas mauunawaan ang mga pangyayari tungkol sa ekonomiks sa pamamagitan ng mga numero, graph, chart, at pagbuo ng mathematical formula o equations
matematiks
Sumusuri sa asal at gawi ng tao batay sa kultura
Kasaysayan o Sosyolohiya
Sinusuri kung bakit gayon ang kilos ng tao o pangkat sa isang lipunan.
Pinag-aaralan kung paano makipag-ugnayan ang mga tao sa pag-unlad ng ekonomiya
sikolohiya
Sumusuri sa mga ideya o prinsipyo tungkol sa Ekonomiks.
Pinag-aaralan kung paano makatutulong ang Ekonomiks sa pamumuhay ng mga tao at sa pagsulong ng isang bansa
pilosopiya
Ang pag-aaral ng mga balangkas o estruktura ng pamahalaan, mga tungkulin, responsibilidad, at mga batas na itinakda ng pamahalalaan ay mahalaga sapagkat ang lahat ng ito ay may epekto at impluwensiya sa ating pamumuhay at kabuhayan ng bansa
agham pampolitiko
Ito ang pinakauna at ang pinakamahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng metodong siyentipiko. Inaalam at inuunawa ang mga suliranin sa mga isyu ng mga pangangailangan sa isang ekonomiya. Kailangan sagutin ang mga katanungan dito tulad ng ano, alin, kailan, at sino (PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN)
Pagtukoy sa Suliranin
Nakabubuo ng isang palagay o hypothesis mula sa pagsusuri ng impormasyon na nakabatay din sa panahon, mga pinagkukunang-yaman, kakayahan at kasanayan, at kapaligiran. Kapag nagkakaroon ng isang palagay ang tao, ito ay kailangang patunayan upang makabuo ng isang kongklusyon na magsisilbing gabay sa pagtugon ng mga suliranin (PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN)
Pagbibigay ng Hypothesis
Sa prosesong ito hinahanap ang mga paraan upang matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na datos tungkol dito. Nagkakaiba ang mga paraan ng paghahanap nito depende sa panahon, mga pinagkukunang-yaman, kakayahan at kasanayan, at kapaligiran (PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN)
Pangangalap ng Impormasyon at Datos
Sinusuri sa pamamagitan ng eksperimento, tsart, graph at statistics upang maging mabisa at makatotohanan ang pagsagot sa suliranin. Dito sinasagot ang mga katanungang tulad ng paano at bakit c(PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN)
Pagsusuri ng Impormasyon at Datos
Sa pagbuo ng isang konglusyon, kailangang suriin at subukin ang mga nakalaang hypothesis upang makita kung maaari itong maging gabay sa pagtugon sa suliraning nabanggit. Kung ang resulta ng pagsusuri ay nakaayon sa hypothesis, ito ay magsisilbing kongklusyon at gagamiting paraan sa pagtugon ng suliranin. Tandaan, kung ito naman ay hindi nakaayon, mahalagang balikan muli ang mga nakaraang kaalaman tungkol sa suliranin (PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN)
Pagbibigay ng Kongklusyon at Rekomendasyon