Week 4 Flashcards
(19 cards)
Tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
Ito ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan.
Dahilan nito patuloy na naghahanap ng iba’t ibang paraan ang mga tao upang matamo ang lubos na kapakinabangan sa paggamit ng mga yaman ng bansa.
Kakapusan
Tumultukoy ito sa limitadong pinagkukunang-yaman
pisikal
tumutukoy ito sa walang hanggang kagustuhan at pangangailangan ng tao
Pangkaisipan
Kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.
Mapapalitan lamang matapos ang mahabang panahon.
Absolute Scarcity
Kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi sapat sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Relative Scarcity
Nagsasaad na kapos ang produkto dahil kapos din tayo sa mga sangkap na kailangan para makalikha ng mga produkto o serbisyo. Kapag sagana sa sangkap magiging sagana din ang paggawa ng mga produkto.
Batas ng Kakapusan (Law of Scarcity)
Ang _________ o ang pagpapanatili ng kalikasan at mga likas na yaman mula rito ay pangunahing gawain o proyekto na dapat isagawa ng mga mamamayan at pamahalaan ng bansa.
Konserbasyon
Maaaring bawasan ang labis na pagkonsumo ng mga produkto at limitahan lamang ang binibili batay sa pangangailangan.
Pagbabawas sa pagkonsumo (reducing)
Ang muling paggamit ng mga patapong gamit na maaari pang pakinabangan ay higit na nakatutulong sa pagbabawas ng pagkonsumong ginagawa ng tao at upang makatipid sa mga karagdagang gastusin.
Pagmumuling gamit (re-using)
Nababawasan ang kinukuha mula sa kalikasan kung inireresaykel ang mga basura tulad ng plastic, papel, at iba pang mga gamit bilang mga materyales para sa mga bagong produkto.
Pagreresaykel (recycling)
Kung may mga natatabing ipon na gamit o salaping pantustos sa mga pangangailangan pagdating sa panahon ng kagipitan, magiging mas madaling ibsan ang mga panahon ng kakapusan sa isang ekonomiya.
Pag-iimpok
Ang kalusugan ng tao ay ang pangunahing puhunan sa anumang larangan ng pamumuhay. Maaaring mayaman ang isang tao, ngunit kung hindi siya malusog, maaari siyang matulak sa kahirapan o kaya ay mamatay nang maaga.
Pagpapanatili ng mabuting kalusugan
Malaki ang ambag ng teknolohiya sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. Ang teknolohiya ay nagpapabilis ng kapasidad ng taong makakuha ng likas na yaman, gayundin ang papapabuti sa pangangasiwa at pagpapanatili nito.
Pagpapa-unlad ng teknolohiya
Dapat magkaroon ng malawak na kaalaman ang maraming tao tungkol sa kakapusan upang makapagplano sila ng mga dapat isagawa sa pagtugon dito.
Pagpapalawak ng kaalaman
Hindi sapat na magkaroon ng kaalaman tungkol sa kakapusan at paglutas nito. Marapat na maisakatuparan ito ng mas maraming tao sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibikong nakatuon sa kalikasan at koserbasyon tulad ng mga tree planting, clean-up drive, fund raising, at iba pa.
Pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
Isang suliraning pang-ekonomiya na tumutukoy sa pansamantala o panandaliang limitasyon ng pinagkukunang yaman.
Hindi sapat ang suplay ng isang produkto sa planong pagkonsumo ng mga mamimili.
Dito makikita ang pagpaplano ng mga tao sa produksiyon at pagkonsumo. Halimbawa ang pagtatago ng mga ibang suplay upang ibenta kapag mataas na ang presyo ng mga ito.
Kakulangan (Shortage)
Isang grupo o samahan na kumokontrol ng pagbili ng presyo at paglabas ng produkto.
Kartel
Pagtatago ng produkto at paglalabas lamang nito kapag tumaas ng ang presyo nito.
Hoarding
Tumutukoy sa paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at ng ekonomiya.
Produksiyon