Week 5 Flashcards
(28 cards)
anumang bagay na kailangan taglayin ng isang tao upang siya ay mabuhay
pangangailangan
kapag pinagkait ito, maaaring magdudulot ng sakit o kamatayan
pangangailangan
mga bagay na hindi kailangan ng mga tao upang mabuhay
kagustuhan
mga bagay na naaayon sa luho ng mga tao
kagustuhan
sinong amaerikananong Sikolohista ang nakatuklas sa kaisipang “Hierarchy of Needs” o tinatawag sa tagalog na Hiyerkiya ng Pangangailangan
Abraham Maslow
ito ang teorya ng pagkakasunod sunod ng pangangailangan ng mga tao mula sa payak at pangunahing pangangailangan hanggang sa maselan at pinakamahirap na pangangailangan na makakamtan ng isang tao sa kanyang buhay
Hierarchy of Needs
isang Amerikanong sikolohista (psychologist)
Abraham Maslow
anong taon isinulat ni Abraham Maslow ang Hierarchy of Needs
1943
Ayon sa kaniya, ang pangangailangan ng tao ay may iba’t ibang digri o Hierarchy of Needs ayon sa kakayahan ng tao na makamit at matugunan ang mga ito at magkaroon ng kasiyahan.
Abraham Maslow
Pinakamahalaga at pinakapundamental na pangangailangan ng tao ang pisyolohikal upang mabuhay.
Pisyolohikal na Pangangailangan (Physiological Needs)
Kabilang dito ang pagkain, tubig, malinis na hangin, damit at tirahan. Kung hindi ito maibibigay sa tao, hindi kakayanin ng katawan ng tao na gumana nang maayos, at kalaunan ay mabibigo rin siyang maisakatuparan ang iba pang naisin.
Pisyolohikal na Pangangailangan (Physiological Needs)
Ang pumapangalawa ay ang pangkaligtasang pangangailangan, kabilang dito ang personal, pinansyal, at pangkalusugang seguridad.
Pangkaligtasang Pangangailangan (Safety Needs)
Kailangang maramdaman ng tao ang pang-ekonomiyang seguridad gaya ng pagkakaroon ng regular na trabaho at iba pang kaligtasang pisikal.
Pangkaligtasang Pangangailangan (Safety Needs)
Ang ikatlo ay ang pangangailangang mahalin, magmahal at mapabilang. Kailangang mapanatili ng tao ang maayos na relasyon at pagmamahalan na maaring nagmumula sa pakikipagkaibigan, romantikong relasyon, o pag-ibig ng pamilya
Pangangailangang Mahalin at Mapabilang (Love and Belongingness)
Kailangang mahalin ang tao, sa sekswal man o hindi sekswal na pamamaraan. Maraming tao ang dumaranas ng kalungkutan, suliraning makibagay sa lipunan, o kaya naman ay matinding depresyon dahil sa iba’t ibang masasakit na karanasan tulad ng pag-iwan ng grupong kinabibilangan
Pangangailangang Mahalin at Mapabilang (Love and Belongingness)
Lahat ng tao ay kailangang makaramdam ng respeto mula sa kapwa, liban pa sa pagpapahalaga at respeto sa sarili. Nakapaloob dito ang natural na kagustuhan ng tao na tanggapin at pahalagahan ng iba. Ito rin ang nagbibigay sa tao ng pakiramdam ng kontribusyon at halaga sa mga tao na nakapaligid sa kaniya at sa buong lipunan.
Pangangailangang Pahalagahan ng Iba (Esteem)
Ang _________ bersiyon ng pagpapahalaga ay pangangailangang kumuha ng respeto mula sa iba. Kasama rito ang pangangailangan para sa istatus, pagkilala, kasikatan, prestihiyo, at atensyon na makukuha mula sa labas at mula sa iba
mababang
Ang _________ na bersiyon naman ng pagpapahalaga ay pangangailangan para sa respetong pansarili. Halimbawa, ang taong may ganitong uri ng pagpapahalaga ay may pangangailangang magkaroon ng lakas, kahusayan sa propesyon, lakas ng loob, at kalayaan upang mapabuti ang sarili.
mataas
Ito ang pinakamataas na uri ng pangangailangan at tumutukoy sa realisasyon ng kabuuang potensyal ng tao.
Pangangailangan sa Kaganapan ng Pagkatao (Self-Actualization)
Inilalarawan ni Maslow ang ganitong antas bilang kagustuhan ng tao na maisakatuparan ang anumang naising gawin sa pamamagitan ng pinakamahusay na kaya niyang gawin. Maaaring mahanap ng tao ang kaganapang ito sa iba’t ibang propesyon o papel sa lipunan na kaniyang napili.
Pangangailangan sa Kaganapan ng Pagkatao (Self-Actualization)
Ayon kay Maslow, A musician must make music, an artist must paint, a poet must write if he is to be ultimately at peace with himself.”
Pangangailangan sa Kaganapan ng Pagkatao (Self-Actualization)
Naniniwala si Maslow na hindi makakamit ng tao ang ________________ na antas ng pangangailangan kung hindi niya makukuha ang mga __________________. Mauunawaan lamang ng tao ang pinakamataas na antas ng pangangailangan (kaganapan ng pagkatao) kung hindi niya lang basta maisasakatuparan ang mga nauna. Kailangan niyang paghusayan ang bawat antas.
pinakamataas, naunang antas
salaping tinatanggap ng tao kapalit ng produkto at
serbisyo (mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan)
kita
ang pangangailangan ng mga estudyante ay iba sa pangangailangan ng mga nakatapos na (mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan)
edukasyon