Pagsusulit 2 Flashcards

(42 cards)

1
Q

Ang _______ ay Paglilipat Diwa sa pinakanatural ng paraan ng pagwiwika ng mga pinaglalaanang mambabasa,manonood at manlilikha.
- Proseso at Produkto
- May Kondisyong Kontekstwal at Kritikal

A

Pagsasalin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q
  • Isang nakagawiang kuwento tungkol sa maaaring pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo, at kalimitang may kasangkot na mga pangyayari at nilalang na may pambihirang kapangyarihan.
  • Paniniwala o ideya na mali o hindi totoo subalit pinaniniwalaan ng marami.
A

Mitolohiya/Mito

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

15 Karaniwang Mito sa Pagsasalin

A
  1. Ang salitang “salin” ay Tagalog.
  2. Madaling magsalin, mabilis lamang itong gawin.
  3. Basta nakapagsasalita ng wikang Filipino, mahusay magsalin sa Filipino.
  4. Sinumang marunong sa banyagang wika, pwedeng magsalin
  5. Mas madaling magsalin kaysa magsulat ng orihinal na akda.
  6. Ang pagsasalin ay isang segunda klaseng gawain.
  7. Kahit sinong tagasalin ay makakapag salin ng kahit anong materyal, basta’t alam nila ang wikang kasangkot.
  8. Upang maging matapat sa pagsasalin, kailangang panatilihin ang estruktura ng lenggwahe ng simulaang teksto sa pagsasalin.
  9. Kung ilan ang bilang ng salita sa simulaang teksto, iyon din dapat ang bilang ng itutumbas na salita sa tunguhang teksto.
  10. Kailangan ng teorya sa pagsasalin upang makapagsalin.
  11. Ang adaptasyon ay hindi salin.
  12. Iisa lamang ang paraan o anyo ng pagsasalin.
  13. Hindi dapat mabahiran ng ideyolohiya ang gawaing pagsasalin.
  14. Ang mga eksperto sa wika at pagsasalin ang pinakamahusay magsalin ng mga tekstong disiplinal.
  15. Mas matapat ang sa anyo ng orihinal ang salin, mas may kalidad ang salin.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

B. MGA NAGSASALUNGATANG PARAAN SA PAGSASALIN

A
  1. “SALITA” LABAN SA “DIWA”
  2. “HIMIG-ORIHINAL” LABAN SA “HIMIG-SALIN”
  3. “ESTILO NG AWTOR” LABAN SA “ESTILO NG TAGAPAGSALIN”
  4. “PANAHON NG AWTOR” LABAN SA “PANAHON NG TAGAPAGSALIN”
  5. “MAAARING BAGUHIN” LABAN SA “HINDI MAAARING BAGUHIN”
    6.“TULA-SA TULA” LABAN SA “TULA SA PROSA”
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

I. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin-Wika.

A
  1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa Pagsasalin
  2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
  3. Sapat na kaalaman sa Kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

II. Dalawang Wikang Kasangkot sa bawat Pagsasalin

A
  1. Simulaang Lenggwahe (SL, source language sa Ingles) na ginagamit sa teksto ng orihinal.
  2. Tunguhang Lenggwahe (TL, target language sa Ingles) na ginagamit ng tagasalin.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

III. Mga Simulain sa Pagsasalin

A

A. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito
B. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.
C. Ang isang salin upang maituring na mabuting Salin ay kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na
E. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula na masasabing establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.
F. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa (footnote) ang iban bilang kaguluhan.
G. Laging isaisip Ang pagtitipid ng mga salita.
H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag ito’y nagiging bahagi ng pangungusap.
J. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling wika ngunit hindi dapat magpaalipin dito.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Mayroon tayong dalawang diksyunaryo:

A
  1. Bidirectional na diksyunaryo
  2. Unidirectional na diksyunaryo
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

tumutukoy sa pagkakaroon ng Ingles Filipino at Filipino - Ingles na siyang isinulat ni Jose Villa Panganiban

A

Bidirectional na diksyunaryo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Filipino - Ingles na siyang isinulat ni _______________

A

Jose Villa Panganiban

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

tumutukoy sa Filipino - Ingles lamang. Sa pagsasaling-wika, ang tagapagsalin ang siyang Diyos ng kanyang isinasaling at hindi dapat siya magpaalipin sa anumang mga kasangkapan na makakatulong sa pagsasalin. Nasa kanyang kamay at isip ang ikagaganda ng kanyang isinaling.

A

Unidirectional na diksyunaryo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

MGA HAKBANG SA PAGSASALIN
I. Preliminaryong Gawain

A

A. Paghahanda
B. Pagsusuri (Analysis)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

MGA HAKBANG SA PAGSASALIN
II. Aktwal na Pagsasalin

A

A. Paglilipat (Initial Draft)
B. Pagsulat ng Unang Burador
C. Pagsasaayos ng Unang Burador

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

MGA HAKBANG SA PAGSASALIN
III. Ebalwasyon ng Pagsasalin

A
  1. Paghahambing ng salin sa orihinal
  2. Balik-salin (Back-translation)
  3. Pagsubok sa pag-unawa
  4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin
  5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test)
  6. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test)
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

-Ito ay may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man o panlipunan, at sa mga disiplinang akademiko na nangangailangan ng angkop na espesyalisadong wika

A

PAGSASALING TEKNIKAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

“Roses, generically known as Rosa, belong to a large group of shrubs, herbs and trees of the family Rosaceae. This family includes strawberries, peach, almond, apple, apricot, and others. One feature that links them together is the production of a flower bud with varying numbers of petals from five to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit is called hip. The rose hip is said to be a good source of Vitamin C next to Citrus fruits.

”Isina-Filipino at ipinalimbag ito ng Technology and Livelihood ResourceCenter (TLRC) sa polyetong pinamagatang “Pag-aalaga ng Rosas.” Ganito angsalin ng TLRC:“

Ang Rosas ay kilalang Rosa na kasama sa malaking grupo ng palumpong, damong-gamot at puno ng pamilya Rosaceae. Sa pamilyang ito kasama ang strawberries, peach, almond, mansanas, apricot at iba pa. Ang katangiang nag-uugnay sa kanila ay pagsusupling ng buko ng bulaklak na may iba’t ibang bilang ng talulot na nagmumula sa lima hanggang animnapu. Lahat sila’y nagbubunga kahit na ang rosas. Ang di magulang na bunga ay tinatawag na hip sa Ingles. Ang hip ng rosas ay sinasabing mainam na pagkunan ng Bitamina C, na pumapangalawa sa prutas na sitrus.”

A

Rose Culture ni Tomas D. Cadatal.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Isa pang salin ng TLRC ang Mga -Halamang Panangkap at Pampalasa mula sa Herbs and Spices ni Constancio C. de Guzman. Anang orihinal sa English

A
  1. Saling Seyintipiko
18
Q

Pagsalit-salitin na orihinal na nasusulat sa Ingles at ang salin ni Cesar C. Peralejo. Natatangi si Peralejo sa mga hukom sa Pilipinas dahil sa kanyang pagsusumikap na maisa-Filpino ang mga batas.

A
  1. Salin ng Batas
19
Q

Ayon kay ______, si Posgate ang nagsabi sa kanyang aklat translations and translators na Ang isang prosa o tulugan ay dapat masalin sa paraang tuluyan din at ang tula ay paraang patula rin.

20
Q

Si _____________ man ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, Ang salin ay kailangang magtaglay ng mga katangian
ng tula.

A

Matthew Arnold

21
Q

TEKNIK o PARAAN NG PAGSASALIN NG TULA

A

UNANG HAKBANG: Pagpapakahulugan
IKALAWANG HAKBANG: PAGBUO NG PANSAMANTALANG MGA TALUDTOD

22
Q

Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles

A

Paraan 1 - Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino.
Paraan II - Paghiram sa katawagaang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino.
Paraan III - Paghiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabago sa ispeling.

23
Q

Mga Kahinaan ng”Maugnayin”

A
  1. Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa ibang katutubong wika sa Pilipinas ay walang sistema.
  2. Lumikha pa ng mga katawagan gayong may mga salita para sa mga ito na palasak na sa bibig ng bayan
  3. Ang paghiram ng mga salita at panlapi sa ibang katutubong wika at pagkatapos ay pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan.
  4. Maraming likhang salita ang lubhang mahaba, walang kahulugankahit sa mga napakahusay sa Filipino at nakapipilipit ng dila.
  5. Ang pagbuhay ng mga patay nang salita. Namamatay ang isang salita kung wala nang gumagamit nito; kung hindi na ito kailangan sapagkat may kapalit nang ibang salita na higit na mabisa, lalo na kung hiram sa wika ng dating mananakop
24
Q

Kalakasan ng “Maugnayin”

A

● May mga likhang salita ang “Maugnayin” na tumatama sa pangangailangan ng inilunsad ng pamahalaan na pagpaplano ng pamilya.
● Ang”Maugnayin”ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibang wika, lalo na sa Ingles na labis na nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.
● Ang panghihiram ng”Maugnayin”sa iba’t ibang wikang katutubo ay ikinatutuwa ng mga di-tagalog,lalo na ng mga nagsasabing ang wikang binabansagan nating Filipino,ay wikang tagalog lamang.

25
Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling- wika sa aklat na ito ay ang pasulat, nararapat lamang na magkaroon ang magsasagawa ng pagsasaling-wika ng mga batayang kaalaman sa anyong pasulat ng Filipino, ayon sa kasalukuyang Alpabetong Filipino. Gaya ng nabanggit na, walang problema kung ang panghihiram ay pasalita, subalit sa sandaling tangkaing isulat ang mga salitang hinihiram, doon na lilitaw ang problema sa ispeling.
Ang Alpabetong Filipino at Pagsasaling-Wika
26
Bilang ng mga letra
● Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra sa ayos ng sumusunod: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. Sa 28 letrang ito ng alpabeto, ang 20 letra lamang ng dating Abakada ang gagamitin sa mga karaniwang salita. Samakatwid, mananatili ang tuntuning”kung ano ang bigkas ay siyang sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.” ● Gamit ng 8 dagdag na mga letra. Ang walong dagdag na mga letra (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) ay gagamitin lamang sa mga: 1. Pantanging ngalan ng tao, lugar, produkto, pangyayari, gusali 2. Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang maaasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na ang orihinal na anyo sa Ingles, kayat nagkakaroon ng tinatawag na visual repulsion sa mambabasa 3. Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’t ibang katutubong wika.
27
MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM
1. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino 2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino 3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi mauunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan: Kung konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago. 4. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada. 5. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.
28
Ayon kay ________, hindi naman ang ibig sabihin sa literal na salin ay ang literal na literal o isa-isang pagtutumbas sa mga salita sa orihinal na teksto. Kalimitan ay balangkas ng mga parirala o pangungusap sa isinasaling teskto ang naililipat ng nagsasalin sa kanyang pinagsasalinang wika.
Savory
29
Ayon kay Savory, hindi naman ang ibig sabihin sa literal na salin ay ang literal na literal o isa-isang pagtutumbas sa mga salita sa orihinal na teksto. Kalimitan ay balangkas ng mga parirala o pangungusap sa isinasaling teskto ang naililipat ng nagsasalin sa kanyang pinagsasalinang wika. Kahit noong mga dakong una, ang tinatawag na literal nasalin ay hindi naman ang pagtatapat-tapat ng mga salita ng orihinal at ng salin. May diwa ring nakukuhasa literal na salin. Kaya lang, hirap ang bumabasa sapagkat hindi natural o idyomatiko ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan. Ito ang tinututulan ng ibang pangkat ng mga tagapagsalin.
"SALITA" LABAN SA "DIWA"
30
“Dapat bang maging literal o idyomatiko ang salin?”
May mga tagapagsalin na matibay ang paniniwala sa literal na paraan ng pagsasalin sa paniniwalang ang gayon ay nangangahulugan ng pagiging ‘matapat’ sa orihinal. May mga pagkakataon pa rin na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Isa pa, ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot na dalawang wika ay hindi magkaangkan.
30
Kapag literal ang salin, humigit kumulang, ito’y himig-salin na rin. At kapag naman idyomatiko ang salin, humigit- kumulang, ito’y himig-orihinal. Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-halatang katumabas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin, sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng mga parirala at pangungusapsa orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan. Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig-orihinal na rin ito sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay anu palang sinulat saibang wika. Ayon sa kanila, kailangang mabasa ito nang maluwag at maayos ng mga mambabasa sa Filipino sapagkat kung hindi gayon, hindi ito babasahin. At kung hindi babasahin ay hindi na sana dapat pinaghirapan pang isalin.
“HIMIG-ORIHINAL” LABAN SA “HIMIG-SALIN”
31
Bawat awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan ay may sariling estilo. Bagamat may mga manunulat na sa biglang tingin ay waring magkatulad sa estilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang mga ito kahit paano. Kung ang awtor ng piyesang isinasalin ay mahilig sa “winding sentence”, may karapatan ba ang tagapagsalin na nagkataong mahilig sa “choppy sentences” na baguhin ang estilo ng awtor at ipalit ang kanyang sariling estilo? Ang isang tagapagsalin, kahitbmagpilit na pumaloob sa katauhan ng kanyang awtor, ay hindi namamalayang kumakawala siya sa kanyang ‘bilangguan’ at pinaiiral ang kanyang sariling estilo. Dapat bang manatili sa salin ang istilo ng awtor? Dapat laging isaisip ng tagapagsalin na siya’y nagsasalin lamang; na ang kanyang tungkulin ay ilipat lamang sa ibang wika ang likhang-sining ng iba. Hindi niya dapat tangkaing ‘pakialaman’ ang gawa ng may gawa.
“ESTILO NG AWTOR” LABAN SA “ESTILO NG TAGAPAGSALIN”
32
Ang problema tungkol sa “panahon” ay lumilitaw lamang kapag ang isinasalin ay mga akdang klasiko. Kung napakahirap para sa isang tagapagsalin na pilitin ang sariling ‘mapaloob’ sa katauhan ng kanyang awtor, isa ring napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan sa nakaraan (panahon ng awtor) at sa kasalukuyan (panahon ng tagapagsalin).
“PANAHON NG AWTOR” LABAN SA “PANAHON NG TAGAPAGSALIN”
33
Ang ______________________ ay ang unang aklat panrelihiyon na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga paniniwala at prinsipyo ng Kristiyanismo. Ito ay nangangahulugang “ang pagtuturo ng Kristiyanismo” ay naimprenta sa palimbagan ng mga Dominikano sa Maynila noong 1593.
Doctrina Cristiana en Lengua Espanola y Tagala
34
Pinaniniwalaan na si _____________, isang Pransiskanong pari sa Laguna, ang nagsalin sa Tagalog ng mga dasal. A
Fray Juan de Plasencia
35
Sa lahat ng mga bokabularyong nilikom ng mga misyonero at inilimbag noong panahon ng mga Espanyol ay itinuturing na pinakanatatangi ang _________________(1754) nina Fray Juan Jose de Noseda at Fray Pedro de Sanlucar. Itinuturing itong pangunahing sanggunian hingil sa mga inilimbag na halimbawa ng sinaunang maikling tula, mula sa bugtong at salawikain hanggang sa diyona, dalit at tanaga. Ginamit ito nina Julian Cruz Balsameda, Bienvenido Lumbera at Virgilio S. Almario upang aninawin ang katutubong pagtula.
Vocabulario de la Lengua Tagala
36
Ginagamit na halimbawa ni Savory sa kanyang aklat ang “__________” na nailathala noong 1605. Ang “___________ “ ay nobela ni Miguel de Cervantes. Orihinal na nalathala sa dalawang parte, taong 1605 at 1615.
Don Quixote
37
Ang buong pamagat ng `“Don Quixote"
The Indigenous Gentleman of La Mancha, o sa salitang Espanyol, El Ingemoso Hidalgo don Quixote de la Mancha at ang ikalawang bahagi ay ang Segunda Parte del Ingenioso Caballero don Quijote de la Mancha (Second Part of the Indigenous Knight Don Quixote of La Mancha). May mahigit dalawampung English translations
38
ang tagapagsalin ng Don Quixote. Nalathala niya ang kauna-unahang English translation sa London taong 1612.
Thomas Shelton (Fl. 1604-1620
39
Si ______________ ay kilala sa katawagang “The Father of English Literature” o “The Father of English Poetry.”
Geoffrey Chaucer
40
Binanggit ni Savory si Lord Woodhouselee, isang kilalang pilosoper at manunulat, na nagsabi di umano na di dapat bawasan, dagdagan o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor. Bakit babawasan, aniya, ng isang tagapagsalin ang anumang sinabi ng awtor, maliban kung ito’y dahil sa kanyang katamaran o katangahan? At bakit daragdagan, aniya pa rin, ng isang tagapagsalin ang isang akda? Bakit niya papalitan ang anumang sinabi ng awtor? Bakit niya ilalagay sa bibig ng awtor ang isang ideya na hindi nito sinabi?Ang totoong, hinihingi ang kagandahang-asal bago isalin ang isang akda,kailangan humingi muna ng permiso sa awtor ang magsasalin. Kung meron siyang gustong ipasok na pagbabago, kailangan ihingi rin niya ng permiso sa awtor. At kung makumbinsi niya ang awtor na makatwiran ang kanyang ipapasok na pagbabago, saka pa lamang niya dapat isagawa ang gayon. Kung magkataong wala na ang awtor, maaaring yumao na hindi namatunton kung nasaan, lalong dapat pakaingatan ng magsasalin na hindi mapasukan ng anumang pagbabago ang akda. Kung malinaw na malinaw naman na ang gustong baguhin ng tagapagsalin ay resulta lamang ng pagkakamali sa paglilimbag, ikakatuwa ang gayon ng sinumang awtor. Hindi dapat kalimutan ng tagapagsalin na siya’y tagapagsalin lamang ng likhang-isip ng iba. Wala siyang karapatan na pakialaman ang kanyang isinasalin nang walang pahintulot ng awtor, o kung walang malaking-malaking kadahilanan
“MAAARING BAGUHIN” LABAN SA “HINDI MAAARING BAGUHIN”
41
Ang pagsasalin ba ng isang tula ay dapat maging patula rin? O baka mas mabisang isalin ang isang tula sa paraang tuluyang o prosa? Ang pagsasalinng tula ang itinuturing ng mga tagapagsalin na pinakamahirap sa lahat. Bakit kaya? Sapagkat nangagailangan ito hindi lamang bawat balangkas ng bawat pangungusap o parirala higit sa lahat kinakailangan mangibabaw rin rito ang emosyon na dapat kung ano ang emosyon sa likha ng may akda ay ganoon din sa isang tagapagsalin ang mangibabaw rito. Yung ilan, bago nila isinasalin ay nangangailangan muna itong isalin sa tula. Halimbawa sa ang orihinal ay nakasulat sa wikang Ingles, isinasalin nila ito sa Filipino. Mas mainam na gamitin kapag tula ang ating isasalin ay isasalin natin ito sa paraang pa-tula at kung sa prosa naman ay mas mainam namaisalin rin natin sa paraang tuluyan.
“TULA-SA TULA” LABAN SA “TULA SA PROSA”