10.2-Pagsusuri sa mga Argumento/Pagpapatunay Flashcards
(12 cards)
Sa anomang babasahin o teksto, kapag ang manunulat ay naglalatag ng kaniyang katwiran o posisyon tungkol sa isang paksa o proposisyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga patunay, ebidensya o argumento, tinatawag itong _____.
argumentatibo
Ayon kay De Laza (2016), ang ___ ay ang pangalawang elemento ng pangangatwiran. Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katwiran ng isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.
argumento
Sa kabilang dako naman, naniniwala si Arrogante (2007) na ang epektibong paglalahad ng argumento ay maaaring isagawa sa sumusunod na paraan:
- Sapat at tunay na katibayan
- Ibinatay sa opinyon ng eksperto.
- Katiyakan sa katwiran.
Tama o Mali. Magiging mapanghikayat ang isang argumento o pangangatwiran kung may sapat at tunay na ebidensyang inilalatag sa paglalahad ng mga kaisipan sa teksto.
Tama
Tama o Mali. Mapanghahawakang lubos ang mga argumento o katwiran kung may pagbabatayang mga dalubhasang opinyon.
Tama
Tama o Mali. Ang paglalahad ng mga katwiran o argumento ay isasagawa nang diretsahan at huwag nang maraming paligoy-ligoy.
Tama
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Ang teknolohiya ay isang importanteng elemento sa paglikha nito sa
makabagong modelo ng pag-aaral. Sa parehong paraan, may potensyal din itong baguhin ang estruktura at kultura ng edukasyon. Sa katunayan, naniniwala sina Abad at Ruedas (2001) na ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang instruksyunal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto.
A
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Isang social gaming site ang Friendster na nakabase sa Kuala Lumpur, Malaysia at tatlong bansa sa Asya ang mga pangunahing lugar ng operasyon Nito – ang Pilipinas, Malaysia, at Singapore.
DA
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Ipinalalagay na ang makabagong modal ng pagtuturo ang isa sa pinakamahirap na paraan upang maisakatuparan ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Hindi pa rin handa ang Pilipinas sa pagyakap ng anomang pagbabago sapagkat kulang pa rin tayo sa mga makabagong kagamitan.
DA
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Ang Facebook ang nagsisilbing tulay para magkalapit ang damdamin ng bawat isa. Sa katunayan, ang isa pa sa magandang naidudulot ng Facebook batay naman sa natuklasan ni Duboff (2007) sa kaniyang pananaliksik sa Yale University ay ang pagkakaroon ng magandang ugnayan o palagayang loob sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral.
A
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Sa kasalukuyan, numero uno pa ring pinagkukunan ng impormasyon ang telebisyon na may 89%, sunod ang internet na 45%, radyo na 36%,
diyaryo na 12%, at magazine na 4% (TNS Digital Life 2012). Kaya nga’t kung basura ang impormasyong nakukuha natin sa telebisyon at Facebook, basura rin ang mapupulot at mababasa ng ating kabataan.
DA
A kung ang pahayag ay naglalahad ng argumento at DA naman kung hindi:
Marami sa atin ang nabubuhay pa sa kasalukuyan na parang walang pinagkaiba noong dekada ’70 dahil marami pa rin ang naghihirap st naghihikahos sa buhay. Sabi nga ni National Statistical Coordinating Board
at Secretary General Jose Ramon G. Albert, hindi nagbago ang poverty incidence ng bansa simula noong 2006 hanggang sa ngayon na nasa 28% ng kabuoang bilang ng sambahayan sa bansa.
A