8.1-PAGTIYAK SA ESTRUKTURA NG TEKSTO Flashcards
(38 cards)
Uri ng teksto: Layunin nito ang magpaliwanag at makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay.
Tekstong Impormatibo
And tekstong impormatibo ay tinatawag ding ______ at ______
paglalahad, ekspositori
Uri ng teksto: Ito ay isang tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at pangyayaring madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.
Tekstong Deskriptibo
Ano-ano ang dalawang uri ng Tekstong Deskriptibo?
Deskripsiyong Teknikal at Deskripsiyong Impresyonistiko
Anong uri ng Tekstong Deskriptibo ang naglalayong maglarawan sa detalyadong pamamaraan.
Deskripsiyong Teknikal
Anong uri ng Tekstong Deskriptibo ang naglalayong maglarawan ayon sa pansariling pananaw o personal na
saloobin.
Deskripsiyong Impresyonistiko
Tukuyin ang uri ng tekstong deskriptibo na ginagamit:
Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng
bibig.
Deskripsiyong Teknikal
Tukuyin ang uri ng tekstong deskriptibo na ginagamit:
Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.
Deskripsiyong Teknikal
Tukuyin ang uri ng tekstong deskriptibo na ginagamit:
Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng kasiyahan at maging
simula ng magandang pagkakaibigan.
Deskripsiyong Impresyonistiko
Tukuyin ang uri ng tekstong deskriptibo na ginagamit:
Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.
Deskripsiyong Impresyonistiko
Ano-ano ang mga anyo ng tekstong deskriptibo?
Karaniwan (obhetibo) at Masining (suhetibo)
anyo ng tekstong deskriptibo: Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot ang damdamin. Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa nakikita ng mata.
Karaniwan (obhetibo)
anyo ng tekstong deskriptibo: Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong naglalarawan. Naglalayon itong pukawin ang guniguni ng mambabasa.
Masining (suhetibo)
Tukuyin ang anyo ng tekstong deskriptibo and ginamit:
Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga karagatan.
Karaniwan (obhetibo)
Tukuyin ang anyo ng tekstong deskriptibo and ginamit:
Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang
anak na maputla pa ang kulay sa isang papel.
Masining (suhetibo)
Uri ng teksto: Ito ay naglalayong manghikayat ng mga mambabasa o mapukaw ang interes ng mga tao at maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga advertisement o mga patalastas sapahayagan, telebisyon at radyo. Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.
tekstong persweysib o panghihikayat
Uri ng teksto: Nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong
persweysib na layuning maghikayat ngunit gumagamit ito ng
mga argumento at mga pangangatuwiran. Halimbawa ay editoryal, kolum, sanaysay.
Tekstong Argumentatibo
Karaniwang sinasagot ng mga tekstong argumentatib
ang tanong na _____. Bagaman nais nitong makapaglahad ng damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o ____.
‘bakit?’ , facts
Ano ang tawag din sa tekstong argumentatibo?
tekstong nangangatuwiran
Ang tekstong argumentatibo at persweysib ay may parehong layunin na mangumbinsi sa mga mababasa. Ngunit sa paraan ng pagkumbinsi ng mga ito ay magkaiba. Emosyon o damdamin ang punterya ng ______ at katuwiran o isip naman ang punterya ng
_______.
persweysib, argumentatibo
Uri ng teksto: Ito ang tawag sa isang tekstong nagsasalaysay o nagkukuwento tungkol
sa isang pangyayari na maaaring totoo o likhang-isip lamang. Pangunahing layunin nito ang
magbigay-aliw o maglibang sa mga mababasa.
Tekstong naratibo
Ano ano ang mga elemento ng karaniwang tekstong naratibo (6)
tagpuan, tauhan, panimulang pangyayari, gusot o tunguhin, mga pangyayari, resolusyon
Elemento ng karaniwang tekstong naratibo: Nagsasaad ito kung kailan at saan nangyari ang kuwento.
Tagpuan
Elemento ng karaniwang tekstong naratibo: Tampok dito ang mahahalagang tao o karakter sa kuwento
Tauhan