10.3 - PAGTUKOY SA KAHULUGAN NG MGA KONSEPTO AT PAGBUO NG KONGKLUSYON Flashcards
(6 cards)
Inihayag din nina Morong, et al. (2013) ang sumusunod na hadlang sa pag-unawa sa mga pagbasa: (3)
- Konsepto o kaisipang nilalaman batay sa nais ipabatid ng manunulat sa mga mambabasa.
- Talasalitaan.
- Estruktura ng mga Pangungusap.
hadlang sa pag-unawa sa mga pagbasa: Konsepto o kaisipang nilalaman batay sa nais ipabatid ng manunulat sa mga mambabasa.
Ang kawalan ng kabatiran ng mambabasa sa kaligiran at diwa ng paksa ay makapagdudulot ng di-pagkaunawa. Mahalagang malaman din ang ___,____,___ ng teksto sa pagtukoy ng kahulugan ng isang teksto.
tono, layon at damdamin
hadlang sa pag-unawa sa mga pagbasa: talasalitaan
Upang lubusang maunawaan ang konsepto o kaisipan sa binabasang pahayag, mahalagang isaalang-alang ang pagtukoy ng ____ ng isang salita sa binabasang teksto. Maaari ding isagawa ang pagkilala sa kasalungat at kasingkahulugan, denotasyon at konotasyon, o kontekstwal klu na tumutukoy sa pahiwatig upang maipabatid ang katuturan ng pahayag.
kahulugan
hadlang sa pag-unawa sa mga pagbasa: Estruktura ng mga Pangungusap.
Humihina ang bisa ng pag-unawa sa akda kung ang ginagamit na pangungusap ng awtor ay ___ at _____.
maligoy, mahahaba
Ayon kay Arrogante (2007), ang ____ o ____ ay tumutukoy sa pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
wakas o kongklusyon
Ang sumusunod ay mga paraan sa pagbuo ng wakas o kongklusyon: (5)
- Tuwirang sabi
- Panlahat na pahayag
- Pagpapahiwatig ng aksyon
- Pagtatanong
- Pagbubuod