9.1-Pagsusuri sa Nilalaman ng Teksto (Pagtukoy sa Paksa) Flashcards
(12 cards)
Ang ____ ___ ____ ng teksto ay isang mahalagang kasanayan upang mabatid ng mambabasa ang kabuoang impormasyong inihahatid ng akdang binabasa. Dito malalaman kung ang lahat ng mga impormasyong binabanggit sa teksto ay umiikot o naaayon sa paksang tinatalakay. Atin munang alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng paksa ng teksto
pagtukoy sa paksa
Ang _____ ng teksto ay bahagi ng akda o pangungusap na binibigyang pokus o tuon sa akda o pangungusap. Ito ay tungkol sa ___ o kung ____ ang sinasabi ng teksto. Ang mga pangungusap sa isang teskto ay pinagsama-sama ng isang paksa.
Sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto, ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa ay tinutukoy niya kung ano ang paksa nito. Pagkatapos na mabasa ang kabuoan ng nilalaman, ang unang hakbang upang maipakita ang pag-unawa sa binasa ay kailangang
matukoy ang paksa.
paksa, kanino, ano
Paano naman ang pagtukoy sa paksa ng isang teksto? Ang isang teknik sa pagtukoy
sa paksa ng teksto ay _____ ___ ____. Sinusundan ito ng pagtukoy sa mga ___ ____ at pansuportang detalyeng inilalahad ng teksto. Ang mga kasanayang ito, kapag pinagsama-sama, nakabubuo ito ng panimulang hakbang tungo sa pagsusuri sa mas malalim na bahagi ng nilalaman ng teskto.
pagkilatis sa pamagat, pangunahing ideya
Tama o Mali. Ayon kay Asuncion (2011), kasama sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto ang pagpuna o pagsusuri sa pamagat, simula, katawan o nilalaman, at wakas ng isang teksto. Tinitiyak ng mga nabanggit na nauunawaan ng mambabasa ang buong nilalaman ng teksto.
Kaugnay nito, hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyang pansin kundi
kailangan ding punahin ang estruktura ng mga pangungusap, ang mga ginagamit na salita o estilo sa pagsulat ng may-akda. Gayundin, kasamang tinitingnan ang kalakasan at kahinaan ng paksa ng may-akda.
Tama
Si De Leon, (2018) ay bumanggit din ng mga kailangang isaalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto na lubos na makatutulong upang matukoy ang paksa. Ang mga ito ay ang sumusunod: (3)
Sinasabi ng teksto, Inilalarawan ng teksto, Ipinahihiwatigngteksto
Ayon kay De Leon (2018), tukuyin kung ano ang kailangang saalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto na lubos na makatutulong upang matukoy ang paksa:
Matapos mabasa ang teksto, kailangang matukoy ang paksa sa tulong ng pagtatala ng mga mahahalagang detalye. Muling paglalahad sa konsepto sa sariling salita ayon sa pagkaunawa sa mahahalagang detalye.
Sinasabi ng teksto
Ayon kay De Leon (2018), tukuyin kung ano ang kailangang saalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto na lubos na makatutulong upang matukoy ang paksa:
Kailangan ang lakas ng loob na sapat na maunawaan ang teksto upang magamit sa iyong sariling mga halimbawa, paglalarawan sa mahahalagang konsepto upang magkaroon ng tiyak na kulay ang mga impormasyon, at maibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang tekstong kaugnay nito.
Inilalarawan ng teksto
Ayon kay De Leon (2018), tukuyin kung ano ang kailangang saalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto na lubos na makatutulong upang matukoy ang paksa:
Ito ay nangangahulugang kailangang lubos na masuri ang teksto at matukoy ang kabuoang kahulugan nito. Malilinang sa paraang ito ang paghihinuha sa mga maaaring kalabasan ng mga pangyayari mula sa binasa.
Ipinahihiwatig ng teksto
Maliban sa mga inilahad ni De Leon na kailangang isaalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto, nakatutulong din ang sumusunod upang higit na mapayaman ang pag- aanalisa sa paksa:
Makatutulong sa lubos na pagtukoy sa paksa kung batid ng mambabasa kung sa anong _____ nabibilang ang kaniyang binabasa. Ito ba ay galing sa tekstong pang-agham, pangmatematika, panteknolohiya, pang-agrikultura, pang-ekonomiya, pang-isports, pangmedisina, at iba pa.
larang (Larang na kinabibilangan ng teksto)
Maliban sa mga inilahad ni De Leon na kailangang isaalang-alang sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto, nakatutulong din ang sumusunod upang higit na mapayaman ang pag- aanalisa sa paksa:
Kailangang ipakita ang mga katibayan na nagbibigay _____ sa mga konseptong binabanggit sa nilalaman ng tekstong nagpapakita ng pagkamakatotohanan ng mga konsepto. Sa paraang ito, higit na nabibigyan ng karampatang ebalwasyon kung ang teksto ba ay galing sa mapagkakatiwalaang sangguniang nagsasabing totoo ang mga inilahad na ideya, datos, at mga pangyayari.
suporta (Paggamit ng mga ebidensiya bilang suporta ng teksto)
TANDAAN! Ngayon iyo nang nabatid ang mga dapat isaalang-alang sa pagtukoy sa paksa ng teksto, at higit sa lahat ang mga paraan para masuri din ang nilalaman nito. Laging isaisip na kapag tutukuyin ang paksa ng teksto kailangan munang kilatisin ang _____, isunod ang ____ _____ at _____ ____, at ang mga _____ na kailangang isaalang-alang upang mapalitaw ang paksa.
pamagat, pangunahing ideya, pansuportang detalye, tanong
Review. Tama o Mali.
Ang sumusunod ay mga halimbawang tanong na magkaugnay para epektibong
matukoy ang paksa ng binasang teksto:
▪ Ano ang sinasabi ng teskto?
▪ Tungkol saan ang teksto?
▪ Ano ang tinatalakay sa teksto?
▪ Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
▪ Sa anong larang nabibilang ang teksto?
▪ Ano-anong detalye ang binabanggit kaugnay ng tinatalakay?
▪ Ano-anong palatandaan ang nagpapakita ng suporta sa tinatalakay?
Tama