9.2-Pagtukoy sa Layunin ng Teksto Flashcards

(23 cards)

1
Q

Review. Tama o Mali. Hindi sapat na ang bawat isa ay nakababasa lamang ng isang teksto nang may ganap na pag-unawa, bagkus ay nararapat ding nasusuri niya ang nilalaman, kaligiran, tunguhin, at daloy ng teksto anomang anyo ito. (De Leon, 2018).

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Review. Tama o Mali. Mahalaga ring masuri ang layunin ng may-akda, kaniyang saloobin at pananaw hinggil sa konsepto at mga usapin sapagkat kadalasan ay sumasalamin sa buhay ng may-akda ang kaniyang sinusulat maging ito ay sa kaniyang katauhan, kaisipan, damdamin, kaasalan, at lipunang kaniyang ginagalawan. Maliban dito, sinasalamin din ng isang akda ang kalakarang panlipunan, mga kaakibat na isyu at usapin, mga suliranin at panuntunang pangkapaligiran.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Sa pagtukoy ng mambabasa sa _____ ng may-akda sa pagsulat ng teksto, dito niya makikita kung ano ang punto ng teksto. Ito ay nababatay sa uri ng babasahin o teksto. Ayon kay Bernales et al. (2001), madaling matuklasan ng matalinong mambabasa at tagapakinig kung anong layunin ng akda o teksto. Ito ba ay naglalayong manlibang, manghikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magbigay ng kuro-kuro, magturo ng isang paraan, magtanggol ng isang paniniwala, magbigay ng katotohanan,
magpakilala ng kaugalian at kultura, at iba pa. Kapag sa katapusan ng akda ay pinahalagahan ng mambabasa at tagapakinig ang layunin ng akda, tagumpay ang may-akda.

A

layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Inilahad ni De Leon (2018) sa kaniyang aklat na pinamagatang Tuklas-Diwa, Pagbasa, Panunuri, at Pananaliksik ang sumusunod na uri ng teksto na nagpapakita ng tiyak na layunin ng bawat isa: (6)

A

deskriptibo, ekspositori, prosidyural, argumentatibo, persweysiv, referensyal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

to ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay, lugar, at iba pa.

A

deskriptibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

Ito ay tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, mga iniisip at mga palagay sa sariling pananaw sa tekstong eksposisyon na kung saan ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto.

A

Ekspositori

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

Ito ay nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay na kung saan ang layunin nito ay magpabatid ng mga wastong hakbang na dapat isagawa. Kailangang malawak ang kaalaman ng tao sa paksang kaniyang tatalakayin at kailangang maayos din ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat isagawa o sundin.

A

prosidyural

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

Ito ay isang tesktong naglalahad ng proposisyon upang makahikayat at magpaliwanag sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyon. Nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya.

A

argumentatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

Ang tekstong ito ay naglalahad ng mga konsepto upang makahikayat at ito ay maaaring masaya at malungkot.

A

persweysiv

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Uri ng Teksto na Nagpapakita ng tiyak na layunin:

Ito ay tekstong naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman.

A

referensyal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Review. Tama o Mali. Sa tulong ng mga nabanggit na uri ng teksto, mas madali na lamang sa isang mambabasa na tukuyin ang layuning nais ipabatid ng awtor kung marunong ang isang mambabasa na kilatisin ang uri ng tekstong binabasa. Higit pa rito ang kaalamang matututuhan ng mambabasa kung alam din niyang suriin nang wasto ang nilalaman ng teksto at maiugnay ang binasa sa ibang larang at aspekto ng buhay.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Sa pagtukoy sa layunin ng teksto, kinakailangang alamin kung ano ang punto ng manunulat sa kaniyang teksto o kung ano ang nais ng manunulat na iparating sa kaniyang mambabasa. Ang pangunahing midyum na nakatutulong sa pagtukoy sa layunin ng teksto ay ang _____ sa mismong uri ng tekstong binabasa sapagkat bawat uri ng teksto ay may partikular na _____. Kinakailangan ding magkaroon ng iba pang kaalaman ang mambabasa sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto at pag-unawa sa kabuoan nito hindi lamang sa layunin upang magkaroon ng ganap na pagkatuto. Ihanda lamang ang sarili, maging palabasa, magkaroon ng mapanuring pag-iisip upang masuri nang makabuluhan ang bawat tekstong babasahin.

A

kaalaman, layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Ano ang Climate Change?

A

ekspositori

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Rodrigo Duterte: Bagong Pangulo ng Republika: Bagong Mukha ng Politika

A

deskriptibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Senior High School: Handa na ba ang Pinoy?

A

argumentatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Paghahanda sa Panahon ng Kalamidad

17
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Kooperasyon: Panibagong Solusyon sa Bagong Hamon

18
Q

Tukuyin kung anong uri ng layunin ng teksto:

Pag-unawa sa ASEAN Charter at ASEAN Economic Community Charter.

19
Q

Kapag nagbabasa tayo, maliban sa layuning maunawaan ang mga binabasa ay tinitiyak din nating naiisa-isa natin ang mga ____ na inilalahad sa mga babasahin. Ito ay kadalasang nag-uudyok sa atin na bumuo ng paghihinuha.

20
Q

Ayon kay Cargullo (2020), may dalawang uri ng datos na kalimitan nating sinusuri. Ito ay ang sumusunod: (2)

A

datos na kalidad, datos na kailanan

21
Q

Ayon kay Cargullo (2020), may dalawang uri ng datos na kalimitan nating sinusuri. Ito ay ang sumusunod:

Itong uri ay dadalasang isinasalaysay at inilalarawan ang mga datos. Halimbawa: kulay, tekstura, lasa, damdamin at mga pangyayari.

A

datos na kalidad

22
Q

Ayon kay Cargullo (2020), may dalawang uri ng datos na kalimitan nating sinusuri. Ito ay ang sumusunod:

Itong uri ay kadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng numerical o ginagamitan ng operasyong gramatikal. Karaniwan itong inilalahad gamit ang graph, tsart, o talahanayan.

A

datos na kailanan

23
Q

Anong uri ng datos:

“Pinakatanyag na social networking site
ang Facebook ayon kina Garcia et al. (2020).”

A

datos na kalidad