Akademikong Pagsulat Flashcards
(10 cards)
Akademikong Pagsulat at Layunin
isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng kasanayang akademiko.
- Layunin; makapagbigay ng tamang impormasyon
- pormal, awdyens, maingat
Mga Uri ng Sulatin
- Malikhaing Pagsulat
- Dyornalistik na Pagsulat
- Teknikal na Pagsulat
- Propesyunal na Pagsulat
- Reperensiyal na Pagsulat
- Akademikong Pagsulat
malikhaing pagsulat
anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
dyornalistik na pagsulat
isang uri ng pagsulat na may kaugnayan sa mga balita, pang araw-araw na kaganapan, magasin, telebisyon at radyo. Ito ay ginagamit upang maiulat ang mga balita at makatotohanang pangyayari. Ang layunin nito ay mapaunawa o maging gabay ng mga tao ukol sa mga nagaganap at makapagbigay impormasyon.
teknikal na pagsulat
isang pamamaraan ng pagsulat na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa. Ginagamit ito upang magbigay kaalaman sa mga mambabasa. Karaniwan ito ay ginagawa ng mga eksperto o may sapat na kaalaman dito. Ang teknikal na pagsulat ay ginagamit sa mga larangang panteknikal at pantrabaho, gaya ng hardware at software ng kompyuter, inhenyeriya, kapnayan, eronautika, robotika, pananalapi, medisina, consumer electronics, biyoteknolohiya, at agham pangkagubatan
- mga proseso
- jargon; sinulat ng dalubhasa
propesyunal na pagsulat
pagsasagawa ng mga sulatin na may relasyon sa isang propesyon. Maaaring ito ay pangakademiko, militar, batas, relihiyon atbp.
- para sa general public; gumagamit ng mga salitang mauunawaan ng lahat
reperensyal na pagsulat
isa sa mga uri ng pagsulat. Ito’y ginagamit sa teksbuk, pamanahong papel o disertasyon. Ang reperensyal ay tumutukoy sa pagrerekomenda ng iba pang sanggunian tungkol sa isang paksa.
- citation, annotation
Katangian ng Akademikong Pagsulat
- Pormal
- Malinaw - makikita yung pinaka-ideya/punto
- Tiyak - may pinakatanong na dapat sagutin
- May paninindigan
- May pananagutan - citation
Paano tataglayin ng sulating pang-akademiko ang mga nabanggit na katangian
kung ang mismong nagsusulat ay taglay ang pagiging organisado sa kaniyang ginagawa. Sakop ng pagiging organisado ng manunulat ang tandaan at ilapat ang lahat ng katangiang dapat taglayin ng mga naturang sulatin.