Katitikan ng Pulong Flashcards
(6 cards)
1
Q
Pagtatala
A
- maikling rekord o sulat ng mga katibayan, paksa, mga naisip, at iba pa
- nakasulat na puna, pansin, o obserbasyon
- isang mabisang kasangkapan sa komunikasyon. Ito ay isang paraan ng pagbubuod at pagpapanatili ng mga mahahalagang puntos o kaisipan mula sa isang napakinggan at naunawaan.
Textured Organic and Vibrant Wavy Lines Decorative Asset
2
Q
Katitikan ng Pulong
A
- minutes of the meeting
- isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord, o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Ito rin ay isang opisyal na memorandum na nagbibigay ng pahintulot sa pagsasagawa ng mga gawain
- maaaring gawin ng kalihim, typist/encoder, o reporter sa korte. Maaaring gumamit ng shorthand notation at pagkatapos ay ihanda at ipamigay sa mga kalahok. Maaari din namang ang pulong ay nakarekord sa pamamagitan ng video.
3
Q
bahagi ng katitikan ng pulong
A
- pangalan ng samahang magsasagawa ng pulong
- paksa
- petsa
- oras
- pook na pagdarausan
4
Q
layunin ng katitikan ng pulong
A
Magsilbing opisyal na tala ng mga isinagawang pagpupulong sa isang samahan, institusyon, o negosyo. Gayundin, ito ay upang maging ligal na dokumento o mabigat na ebidensiyang magagamit sa korte at mga ahensiya ng gobyerno.
- magsilbing gabay, batayan, o paalala para sa mga naganap na pulong
5
Q
prima facie
A
- evidence exists which, unless disproven, is sufficient to prove a certain fact or circumstance
6
Q
Katangian ng Katitikan ng Pulong
A
- dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
- dapat na makatotohanan at organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan.
- Dapat ibinabatay sa agenda na unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon.
- Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte
- maikli at tuwiran, obhetibo, walang paligoy-ligoy, at walang dagdag-bawas sa dokumento.
- detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat.