Posisyong Papel Flashcards
(8 cards)
1
Q
posisyong papel
A
Sulating naglalaman ng pinaninindigang pananaw hinggil sa isang tiyak na mahalagang isyung may kinalaman sa iba’t ibang larang—akademya, panlipunan, ekonomiya, politika, at iba pa—na
nakabatay sa may pananaliksik na mga katwiran at ebidensiya
2
Q
aide memoire
A
debatable questions
3
Q
layunin ng isang posisyong papel
A
- Makapagpahayag ng paniniwala, pananaw, mungkahi, o matalinong kuro-kurong
- Makapagmulat ng mga mambabasa
- Makahikayat ng tao, pangkat, o komunidad
- Makapagpaunawa o makapagpalaganap ng mga salaysay ng paliwanag ng pinaninindigang pananaw
- Makakalap ang tagapagpahayag ng suporta
4
Q
mahahalagang sangkap sa pagsulat ng isang posisyong papel
A
- paksa o isyu
- posisyong pinaninindigan
- mga argumento
- mga suportang ideya
- mga kaukulang katibayan.
5
Q
mga gamit ng posisyong papel
A
- Pormal na naratibo o talastas, sa anyong pasulat, ng isang pangkat o organisasyon upang magbigay-linaw hinggil sa isang tiyak na isyu;
- Diplomatikong paglalahad ng mga ideyang mula sa mga taong sangkot o may pagpapahalaga sa sentrong usaping isinaad ng posisyong papel
- Sandatang salaysay ng isang pangkat upang makapagpaliwanag, makapaglinaw, o makausig ng kinauukulan sa paraang hindi marahas; at
- Katipunan ng mga pagpapahalaga, salaysay, mungkahi, kuro-kuro, at/o pananaw hinggil sa isang tiyak na isyu,
nang may respeto, dignidad, at paninindigan upang maging isang huwarang paraan ng pagpapabatid ng
opinyon
-
6
Q
mga katangian ng isang posisyong papel
A
- Tiyak ang Isyu
- Malinaw ang Posisyon
- Mapangumbinsing Argumento
7
Q
balangkas
A
- panimula
- posisyon
- counter-argument
- konklusyon
500-700 words
8
Q
mga hakbang
A
- Pumili ng paksa.
- Itakda ang posisyong paninindigan kaugnay ng paksa.
- Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
- Hamunin ang sariling posisyon sa isyu
- Ipagpatuloy ang pananaliksik.
- Gumawa ng balangkas.
- Isulat nang aktuwal ang posisyong papel.
- Isaayos ang unang burador para sa pinal
na kopya.