Sintesis Flashcards
(9 cards)
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang makrong kasanayan na naglalahad ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaangkop na mga salita upang epektibong makapaghatid ng mensahe.
Sintesis
isang uri ng sulatin na naglalahad ng orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kompleto at detalyadong paraan. Inaasahang ang mga pinakaimportanteng parte ay naibabahagi sa pamamagitan ng ibang salita o kataga na ginamit sa mga orihinal pinagbatayang mga akda.
isang anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa pinaikling paraan upang mapagsama-sama at mapag-isa ang magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian gaya ng tao, libro o pananaliksik ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.
sintesis etimolohiya
salitang Griyego na syntithenai na binubuo ng -syn na nangangahulugang kasama o magkasama at -tithenai na nangangahulugan namang ilagay
Layunin at Gamit ng Sintesis
- Paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga pinaghanguan o sanggunian.
- Organisadong mailahad ang kabuoang nilalaman ng akda ayon sa maayos na pagkakasunod-sunod nito.
- Mapagtibay ang nilalaman ng akda o teksto at mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa kaugnay nito.
Kahalagahan ng Sintesis
- makabuo ng bagong interpretasyon
- malaman ng institusyon kung paano viniview
Dalawang Uri ng Sintesis
explanatory at argumentative
Sintesis na Explanatory
- naglalayong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa
- pinapaliwanag ang tiyak na paksa ng teksto
- nagtataglay ng mga totoong detalye at impormasyon
- hindi gumagamit o nagdaragdag ng opinyon o pananaw
- nangangailangan ng maraming paliwanag at mga suportang detalye nang sa gayon ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa tinatalakay na paksa ang mga mambabasa.
Sintesis na Argumentative
- naglalayong maglahad ng pananaw ng sumulat.
- may isang argumento tungkol sa paksa at binibigyang katuwiran o katibayan upang mahikayat ang mga mambabasa
- nagtataglay ng mga opinyon na batay sa impormasyong nasaliksik ng manunulat