Aralin 1: Tekstong Impormatibo Flashcards
(40 cards)
Sa pag-aaral na ginawa ni __________, ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay dahil limitado ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.
Duke (2000)
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa __ silid-aralan sa _________, nakitang wala pang __ ng mga aklat sa mga aklatang pansilid-aralan ang nabibilang sa tekstong impormatibo.
- 20
- unang baitang
- 10%
Lumabas din sa nasabing pag-aaral na wala pang __ ng mga bagay o kagamitang naka-displey sa paligid ng mga silid-aralan ang maibibilang sa tekstong impormatibo.
3%
Sa isa pang pag-aaral, napatunayan ni _________, na kung mabibigyan ng pagkakataong makapamili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang aklat na di piksiyon kaysa piksiyon.
Mohr (2006)
Humigit-kumulang ___ sa mga mag-aaral ang pumili ng aklat na di piksiyon sa eksibit.
85%
Ang ________________ ay isang uri ng babasahing di piksiyon.
tekstong impormatibo
Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
tekstong impormatibo
Ang mga _______________ ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.
tekstong impormatibo
Ang mga elemento ng tekstong impormatibo
- Layunin ng may-akda
- Pangunahing ideya
- Pantulong na kaisipan
- Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
Ang elemento ng tekstong impormatibo na maaaring magkaiba-iba.
Layunin ng may-akda
Ang elemento ng tekstong impormatibo na nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa
Pangunahing ideya
Ito ang tawag sa paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa.
organizational markers
Ang elemento ng tekstong impormatibo na makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Pantulong na kaisipan
Ang mga ginagamit sa mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin.
- Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
- Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
- Pagsulat ng mga talasanggunian
Ito ay kasama sa mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin na makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Ito ay kasama sa mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin na nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Ito ay kasama sa mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin na karaniwang inilalagay ng mga manunulat
ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan sa mga impormasyong taglay nito.
Pagsulat ng mga talasanggunian
Ang tatlong uri ng tekstong impormatibo.
- Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
- Pag-uulat Pang-impormasyon
- Pagpapaliwanag
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Sa uring ito ng teksto maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical account.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Ito ay tumutukoy sa sulating pangkasaysayan.
historical account
Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Kung ang uri ng tekstong ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilalahad
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Sinusundan itong uri ng teksto ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan