Aralin 3: Tekstong Naratibo Flashcards
(80 cards)
Ang __________________________ ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong naratibo.
maikling kuwento, pabula, alamat, at nobela
Isa sa mga layunin ng naratibong di piksiyon ang ___________________________ sa mga mambabasa kayâ naman kahit ito’y nakabatay sa katotohanan ay higit itong nakatuon sa katotohanang may kaugnayan sa emosyonal at moral na anggulo sa halip na sa paghahanap ng katotohanan sa lahat ng detalye na kailangan pang gamitan ng pananaliksik na siya namang taglay ng isang tekstong impormatibo.
mang-aliw o manlibang
Sa pagsulat ng naratibong ____________________ ay lumulutang ang mga elemento ng isang kuwento.
di piksiyon
Ang _______________________ ay karaniwang nangyayari kapag nagkita-kita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang ___________ ay hindi lang basta naibabahagi nang pasalita.
- pagsasalaysay o pagkukuwento
- salaysay
Sa halip, naitatala rin ang mga pasasalaysay o pagkukuwento sa mga pahina ng isang _______________.
talaarawan
Ang ________________ ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan, na tinatawag ding ___________.
- tekstong naratibo
- banghay
Gayundin naman, ang ___________ ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
naratibo
Halimbawa ng tulang pasalaysay
epiko
May Iba’t Ibang Pananaw o __________________________ sa Tekstong Naratibo
Punto de Vista (Point of view)
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga ____________________ sa mga pangyayari.
matang tumutunghay
Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
matang tumutunghay sa mga pangyayari
Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang _____________________.
una at ikatlong panauhan
Bihirang-bihirang magamit ang __________________.
ikalawang panauhan
Sa mas mahahabang naratibo tulad ng _________ ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-bago ang ginagamit na pananaw.
nobela
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kayâ gumagamit ng panghalip na akó.
Unang Panauhan
Dito sa pananaw na ito’y mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat kanilang pagsasalaysay.
Ikalawang Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kayâ ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
Ikatlong Panauhan
Ang tagapagsalaysay sa pananaw na ito ay tagapag-obserba lang at nása labas siya ng mga pangyayari.
Ikatlong Panauhan
May tatlong uri ang ikatlong panauhan.
- Maladiyos na panauhan
- Limitadong panauhan
- Tagapag-obserbang panauhan
Ito ay uri ng ikatlong panauhan na nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Maladiyos na panauhan
Ito ay uri ng ikatlong panauhan na napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
Maladiyos na panauhan
Ito ay uri ng ikatlong panauhan na nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Limitadong panauhan
Ito ay uri ng ikatlong panauhan na hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan
Ito ay uri ng ikatlong panauhan na tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
Tagapag-obserbang panauhan