Aralin 1: Tekstong Impormatibo (Cyberbullying) Flashcards
(47 cards)
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, ito ay isang uri ng pambubully ang nabigyang-daan nito.
cyberbullying
Ito ay tumutukoy sa pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya.
cyberbullying
Ayon sa ________________________ na isinagawa noong ___________ at inilabas noong ________________________, isa sa _______ kabataan mula sa tatlumpung bansa ang nakararanas ng online bullying at isa sa bawat ____________ ang nagsasabing lumiliban sila sa paaralan dahil sa cyberbullying at karahasan.
- UNICEF U-Report poll
- Hunyo 2019
- Setyembre 6, 2019
- tatlong
- limang kabataan
Ayon pa rin sa nasabing poll, karaniwang nangyayari ang cyberbullying sa mga social media tulad ___________________________________.
Facebook, Instagram, Snapchat, at Twitter
Magbigay ng ilang halimbawa ng cyberbullying.
- pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o email
- pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa email at sa social media
- pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao
- pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito
Ito ay isa ring malaking biyaya lalo na kung pakikipag-ugnayan sa napapalayong kapamilya o kaibigan ang pag-uusapan.
social media
Ito ay isa sa pinakamahalagang kagamitan sa ikadalawampu’t isang siglo sapagkat sa pamamagitan nito’y “lumiliit” ang mundo.
internet
Napaglalapit nito ang magkakalayong magkakapamilya, napupunan nito ang kasabikang makita at makausap ang isang minamahal, at nakatutulong ito upang magawa ang maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay bagay,
pag-a-apply sa trabaho, paggawa ng transaksiyon sa bángko, at iba pa kahit ika’ y nasa bahay lámang at hindi na kailangang lumabas.
internet
Nakatutulong din ito nang malaki sa paghahanap sa anumang impormasyong mahalaga sa tao.
internet
Subalit sa kabilang banda, napadadali rin nito ang paggawa ng iba’t ibang krimen, panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming hindi mabubuting bagay tulad ng cyberbullying.
internet
Para sa isang biktima, mas mahirap at mas matindi ang cyberbullying kaysa sa _________________.
harapang pambu-bully
Ito ay nangyayari sa isang lugar at isang panahon.
harapang pambu-bully
Ito ay maaaring mangyari nang 24/7.
cyberbullying
Kahit hindi magkaharap ang biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima, o nása loob ng kanyang tahanan, ang ______________ ay patuloy na nangyayari.
cyberbullying
Ito ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di tulad ng harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma na maaaring maranasan ng isang biktima.
cyberbullying
May pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung hindi maaagapan o matutulungang ma-proseso ang damdamin ng isang naging biktima nito.
cyberbullying
Maaari magkaroon ng mga isyung emosyonal at sikolohikal ang biktima hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang panahon.
cyberbullying
Ang ilan pa sa mga epekto ng cyberbullying.
- Mga senyales ng depresyon
- Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
- Pagkakaroon ng mabababang marka sa paaralan
- Pagkagalit
- Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem
- Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
- Pagiging biktima rin ng harapang bullying
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na sugat.
Mga senyales ng depresyon
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na kapag matindi ang emosyonal na trauma dahil sa mga nakasisirang post sa internet, ang biktima tulad ng hindi maipaliwanag na kalungkutan, kawalang pag-asa hindi makatulog, kawalan ng ganang kumain, minsa’y humahantong sa pananakit sa sarili, o pag-iisip na wakasan na ang sariling búhay.
Mga senyales ng depresyon
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na nagiging paraan ng biktima upang makalimot o magkaroon ng tapang o lakas ng loob na harapin ang bully at ang mundo.
Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na madalas, dahil dito’y hindi niya namamalayang nagiging bully na rin siya
Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong nagiging bully sa senior high o sa kolehiyo ay ang mga taong nakaranas ma-bully noong sila ay nasa middle school o high school.
Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
Ito ay tumutukoy sa mga epekto ng cyberbullying na isang paraan upang makaiwas sa taong nambu-bully.
Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan