Aralin 2: Tekstong Deskriptibo Flashcards
(48 cards)
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging _____________________.
subhetibo o obhetibo.
Masasabing _____________ ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lámang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
subhetibo
__________ naman ang paglalarawan kung ito’ y may pinagbatayang katotohanan.
Obhetibo
Ang ___________________ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
tekstong deskriptibo
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga ________ ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
salita
Mga ________________________ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
pang-uri at pang-abay
Bagama’t mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga ____________ at _______________ ginagawa ng mga ito gayundin ng mga ____________
tulad ng ________________________________ at iba pa.
- pangngalan
- pandiwa
- tayutay
- pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao,
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang __________ nito sa iba pang uri ng teksto.
relasyon
Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong _______________, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong _________________, o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong ________________.
- argumentatibo
- persuweysib
- prosidyural
Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga ______________________________________________________________ at iba pa.
tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay,
Gamit ng _______________ o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
Cohesive Devices
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng mga ____________________________________.
cohesive device o kohesyong gramatikal
Ito ay isang cohesive device na tumutukoy sa paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Reperensiya (Reference)
Ito ay klase ng represensiya na tumutukoy sa kung kailangang bumalik sa teksto upang maláman kung ano o sino ang tinutukoy.
anapora
Ito ay klase ng represensiya na tumutukoy sa kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
katapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
anapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lámang.
katapora
Ito ay isang cohesive device na tumutukoy sa paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Substitusyon (Substitution)
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kitá ng bago.
Substitusyon (Substitution)
Ito ay isang cohesive device na tumutukoy sa may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Ellipsis
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’ y tatlo.
Ellipsis
Ito ay isang cohesive device na tumutukoy sa nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap
Pang-ugnay
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Pang-ugnay
Ito ay isang cohesive device na tumutukoy sa mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Kohesyong Leksikal