CHAIN: FILIPINO GEN ED Flashcards
(200 cards)
- “Isang bandila, isang wika, isang bayan” ay sawikain
na nanghihikayat ng:
A. pagkakabuklod - buklod
B. pagkakaisa
C. pakikipaglaban
D. palaisipan
B. pagkakaisa
- Ang kanyang pag-anyaya sa kanilang kapitbahay ay
pabalat-bunga lamang. Ano ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A. Walang galang
B. Sa una lamang
C. Pagpapayabang
D. Hindi tunay
D. Hindi tunay
Ang pariralang “{{c1::pabalat-bunga}}” ay isang idyomatikong
pahayag na ang ibig sabihin ay hindi totoo o hindi taos sa puso
ang ginagawa — pakitang-tao lamang.
- Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang nagbibigay ng
karagdagan?
A. kundi man
B. at
C. kapag
D. hindi lan
B. at
- Uri ng panghalip na ginagamit na panturo sa mga bagay
ay _____.
A. pamatlig
B. panaklaw
C. palagyo
D. palayon
A. pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay uri ng panghalip na ginagamit na
panturo sa tao, hayop, lugar, o bagay. Halimbawa: {{c1::ito, iyan, iyon, dito,}}
{{c1::diyan, doon.}}
Panaklaw – tumutukoy sa maramihan o kabuuan (hal.{{c1:: lahat, sinuman,}}
{{c1::anuman}}).
Palagyo – ito ay kaukulan ng panghalip na personal (hal.{{c1:: ako, ikaw, siya}}
sa simuno ng pangungusap).
Palayon – isa ring {{c1::kaukulan}}, ginagamit sa layon ng pandiwa o layon ng
pang-ukol (hal. {{c1::sa kanya, para sa iyo}}).
- Ito ay isang akdang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran,
kabayanihan nakinapapalooban ng mga di-kapanipaniwalang
pangyayari?
A. Nobela
B. Alamat
C. Pabula
D. Epiko
D. Epiko
Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay na tumatalakay sa
mga pakikipagsapalaran at {{c1::kabayanihan}} ng pangunahing tauhan,
kadalasang may mga di-kapanipaniwalang pangyayari tulad ng
pakikipaglaban sa mga halimaw, mahika, o pambihirang lakas.
- Ang pagpapalitan ng ideya o opinyon at pagpapahayag ng
salaysay ay
naisasagawa sa pamamagitan ng _____.
A. tunog
B. wika
C. bokabularyo
D. sining
B. wika
Ang {{c1::wika}} ay ang sistemang ginagamit ng tao sa pagpapahayag
ng saloobin, kaisipan, opinyon, at damdamin. Sa
pamamagitan ng wika, naisasagawa ang pagpapalitan ng ideya
o salaysay — pasalita man o pasulat.
- Ang freshmen orientation sa auditorium ay halimbawa ng
_____.
A. Interpersonal
B. Pang-midya
C. Intrapersonal
D. Pampubliko
D. Pampubliko
Ang freshmen orientation sa auditorium ay isang
{{c1::pampublikong}} komunikasyon kung saan isang tagapagsalita
o grupo ay nagbibigay ng impormasyon sa malaking bilang ng
tao (madla) — sa kasong ito, ang mga bagong estudyante.
- Ang lahat ng ito ay mga wikang Filipino maliban sa
_____.
A. Hiligaynon
B. Baybayin
C. Cebuano
D. Chavacano
B. Baybayin
Ang Baybayin ay hindi isang {{c1::wika}}, kundi isang{{c1:: lumang sistema ng pagsulat}}
na ginamit sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila.
{{c1::Hiligaynon }}– isang wikang ginagamit sa Visayas, partikular sa Iloilo at Negros
Occidental.
{{c1::Cebuano }}– isa sa mga pangunahing wika sa Visayas at Mindanao.
{{c1::Chavacano }}– isang creole na wika na hango sa Kastila, ginagamit sa
Zamboanga at iba pang bahagi ng Mindanao.
Kapapasok pa lang niya sa bulwagan nang ako ay
dumating. Ang pandiwang
“kapapasok” ay nasa aspetong _____.
A. perpektibo
B. panghinaharap
C. pangnakaraan
D. pangkasalukuyan
A. perpektibo
Ang “kapapasok” ay isang anyo ng pandiwa na
nangangahulugang katatapos lamang gawin ang kilos.
Bagama’t ito ay kakatapos lang, ito pa rin ay itinuturing
na bahagi ng aspektong {{c1::perpektibo}} dahil naganap na
ang kilos sa oras ng pagsasalita.
- Isang uri ng talumpati kung saan isa lamang ang
paksa na maagang ipinaalam sa mga kasapi ay _____.
A. biglaang talumpati
B. di-handa
C. may kahandaan
D. impromptu
C. may kahandaan
{{c1::Biglaang talumpati}} – walang kahandaan, agad-agad na
binibigkas.