KOMU WEEK 2 Flashcards
Antas ng Wika, Barayti at Rehistro ng Wika, Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, Multilinggwalismo, Homogenous at Heterogenous na Wika, Unang Wika, Ikalawang Wika, Ikatlong Wika (139 cards)
dalawang antas ng wika
PORMAL AT IMPORMAL NA WIKA
ANTAS NG WIKA
PAMBANSA
PAMPANITIKAN
LALAWIGANIN
KOLOKYAL
BALBAL
2 uri ng wika sa ilalim ng PORMAL
PAMBANSA
PAMPANITIKAN
3 uri ng wika sa ilalim ng IMPORMAL
LALAWIGANIN
KOLOKYAL
BALBAL
Ito ang salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang nakapag-aral ng wika.
PORMAL
Ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan
PAMBANSA
Ito ang mga salating gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
PAMPANITIKAN
Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Madalas itong gumagamit ng mga idyoma at/o tayutay.
PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang- araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
IMPORMAL
Ito ang bokabularyong dayalektal.
LALAWIGANIN
Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na sila itong naibubulalas.
LALAWIGANIN
Makikilala rin ito sa pagkakaroon na
kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
LALAWIGANIN
Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
KOLOKYAL
Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit
maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita nito.
KOLOKYAL
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang mga salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
KOLOKYAL
- Nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin).
- Sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon).
KOLOKYAL
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang.
BALBAL
Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes
BALBAL
higit pang mababang antas kaysa sa Balbal
ANTAS-BULGAR
(Halimbawa nito ay mga mura at
mga salitang may kabastusan).
ANTAS-BULGAR
Ina
PAMBANSA
Ilaw ng tahanan
PAMPANITIKAN
Inang
LALAWIGANIN
Nanay
KOLOKYAL