Pagbasa Summative Test 1 Flashcards
Gabay na talatanungan at video recorder ang dalawang pangunahing instrumento ng pag-aaral na ito.
Ang mga tanong sa talatanungan ay nakaayos ayon sa tamang daloy ng pagsasagawa ng panayam. Sinuri muna ito at dumaan sa validation para sa kabisaan nito.
Ang video recorder naman ay inihanda bago isagawa ang mga panayam sa bawat kalahok. Humingi muna ng pahintulot para sa pagkuha ng record ang mananaliksik.
Halaw sa pag-aaral ni Fungo (2015)
Gamit
Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa:
- Ano ang pagkakakilanlan ng mga batang ina ayon sa:
1.1 Antas ng Edukasyon;
1.2 Edad ng Unang Panganganak; 1.3 Marital Status; at,
1.4 Tumigil o Pinagpatuloy ang Pag-aaral. - Ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga batang ina ayon sa iba’t ibang salik.
2.1 Emosyonal;
2.2 Espiritwal;
2.3 Mental;
2.4 Pinansyal;
2.5 Relasyonal; at,
2.6 Sosyal. - May pagkakaiba ba ang mean score ng mga respondente kapag grinupo ayon sa pagkakakilanlan.
3.1 Antas ng Edukasyon;
3.2 Edad ng Unang Panganganak;
3.3 Marital Status; at,
3.4 Tumigil o Ipinagpatuloy ang Pag-aaral.
Halaw sa pag-aaral ni Averion, et al. (2015)
Layunin
Ang pag-aaral na ito ay sumailalim sa Quantitative method sapagkat mas angkop itong gamitin dahil sa laki ng sample size na kailangan ng pag-aaral. Ginamit din ang Sarbey method sa pag-aaral na ito upang malikom ang panayam ng mga respondent ukol sa mga katanungang nakasaad sa survey questionnaire. Nakalkom ng siyamnapu’t walong (98) tugon ang sarbey. Sa bilang na ito, apatnapu’t apat (44) ay babae, at liamput lima (55) naman ang lalaki. Ang mga tumugon naman na mula sa labingdalawang baitang ay apatnapu’t isa (44), at limamput pito (57) ang sumagot mula sa ikalabing-isang batiang.
Holow sa pag-aaral ni Carillo, etol (2019)
Metodo
Ang ilang mga hakbang na ginawa sa pag-aaral ay una, humingi ng pahintulot ng pananaliksik ang mananaliksik sa administrador, mga magulang ng kalahok, tagapangasiwa, at mga gurong kasangkot sa isinagawang pag-aaral. Sumunod ay binuo ang talatanungan tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa espasyo ng wikang Filipino sa klase ng Matematika at talatanungan para sa panayam sa mga piling mag-aaral ng baitang 9 sa pamamagitan ng focus group discussion (FGD). Matapos mabuo ang mga talatanungan ay ang pagpapakita at pagpapabalido sa mga eksperto. Nagsagawa ang mananaliksik ng dalawang ulit na tiglilimang pagmamasid sa klase ng Matematika.
Halaw sa pag-aaral nina Broadway at Zamora (2018)
Etika
Nangolekta ang mananaliksik ng mga sulatin ng mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Ateneo de Manila na kumukuha ng klaseng Filipino for Non-Filipino Speakers. Labinlimang mga mag-aaral na mula sa antas ng intermediate o panggitnang lebel ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Sa pagtatapos ng ikalawang semestre (akademikong taong 2015-2016), pinasulat ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay sa wikang Filipino tungkol sa paglalarawan sa kanilang sarili, ginawa noong nakaraang bakasyon, mga balak sa darating na bakasyon at mga ginagawa sa pang-araw-araw. Pinili ang mga tanong upang makakuha ng mga pangungusap na magtataglay ng mga pang-uri at iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
Halaw sa pag-aaral ni Laranjo (2016)
Gamit
Ito ay ang matalinong pagtingin sa isang teksto na walang kinikilingan, maaari magbigay ng positibo o negatibong puna.
Pagsusuri
Isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal; proseso ng paggamit ng mga simbolo para maipahayag ang kaisipan at ideya sa pormang nababasa.
Pagsulat
Ito ay isang kagamitan para bigyan ng linaw kung ano ang sunod-sunod na hakbang na gagawin o kung paano gagawin ang isang bagay.
Gabay
Isang malayuning imbestigasyon na may sinusunod na mga hakbang na humahantong sa pagkakadiskubre ng mga bagong impormasyon o konsepto (Sanchez, 1999).
Pananaliksik
Mithiin o tunguhin. Ito ang nais makamit sa isang gawain.
Layunin
Ito ay proseso a hakbangin sa pagkamit ng layunin ng isang gawain.
Metodo
Ito ay estratehikong instrumento sa pangangalap ng impormasyon para masagot ang layunin ng pananaliksik. Ito ay sumusukat din sa iba’t ibang varyabol kaugnay ng paksa.
Gamit
Ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga.
Etika
Isang akademikong sulatin na may layuning tingnan o sipatin ang nilalaman ng isang pananaliksik. Ito ay pag-aanalisa sa kalakasan at kahinaan ng isang pananaliksik. Ito ay sistematikong paraan ng pagtataya sa pananaliksik at sa mga resultang natuklasan nito.
Ang layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay para malaman kung ang mga natuklasan ay kapaki-pakinabang para sa iyo. (Brink & Wood, 2001)
Pagsusuri o rebyu ng pananaliksik
Bakit kailangan ang pagsusuri ng pananaliksik?
Hindi lahat ng mga pananaliksik na nagawa ay “scientifically sound” o hindi makaagham ang tunog. Maaari ding ang mga resulta ay hindi nabigyan ng suporta ang kanilang pagiging balidoat maaaring magpahiwatig ng pagiging bias. Kaya kailangan ng pagsusuri para maitama at mapaunlad ang pananaliksik. (Polit at Beck, 2006)
4 na pangunahing aspekto ng pagsusuri ng pananaliksik.
- Pag-unawa sa layunin at suliranin, habang tinitiyak kung ang disenyo at metodolohiya ay tumutugma sa layunin.
- Pag-alam sa kung ang metodo ay tamang nai-apply.
- Pag-aanalisa kung ang resulta at kongklusyon ay kapani-paniwala at sinusuportahan ng mga natuklasan
- Pagtingin sa pangkalahatang kalidad, kalakasan at mga
limitasyon. (Holder, 2003)
Ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng pananaliksik?
- Basahin ang buong artikulo ng pananaliksik para maintindihan
kahalagahan at ambag nito sa pagdebelop ng kaalaman. - Basahin ulit ang artikulo, pagtuunan ng pansin ang katanungang umaangkop sa bawat bahagi ng proseso ng pagsusuri. (Holder, 2003)
Ano ang uri ng mga tanong sa pagsusuri ng pananaliksik?
- Suliranin at Layuning mga Tanong
- Metodolohiyang Tanong
- Interpretasyon at Pagtatalakay na mga Tanong
- Suliranin at Layuning mga Tanong
Suliranin: Ano ang suliraning inilalahad sa pananaliksik? Ano ang suliraning nais bigyan ng solusyon?
Layunin: Ano ang layunin ng pananaliksik? Malinaw ba ito? Ang pananaliksik ba ay maaaring idagdag bilang literatura?
Respondents: Ano ang target na populasyon para sa pananaliksik? Paano pinili ang mga respondents? Sino ang mga kasali? Sino ang hindi? Gaano karami ang sample?
Instrumento: Ano ang instrumento o gamit sa pananaliksik? Sino ang gumawa ng instrumento? Gaano kabalido at kapani-paniwala ang instrumento? Ang instrumento ba ay sumusukat sa mga varyabol? Ang mananaliksik ba ay naglarawan kung paano kukunin ang kahulugan at iskor mula sa instrumento?
Disenyo: Ano ang ispesipikong disenyong ginamit? Paano nilikom ang datos? Ano ang mga hakbang sa panahon ng pananaliksik? May mga potensya na limitasyon ba ang nakilala at nabigyan ng karampatang aksyon?
Pag-aanalisa ng Datos: Ang mga estratehiya ba sa pag-aanalisa ay angkop sa pananaliksik? Ang mga paraan ba sa paglikom ng datos ay kapani-paniwala?
Metodolohiyang Tanong
- Interpretasyon at Pagtatalakay na mga Tanong
Interpretasyon: Ang mga interpretasyon ba ay batay sa nakuhang datos? Malinaw bang nakikilala ng mananaliksik ang aktuwal na resulta at interpretasyon?
Pagtatalakay: Ang mga natuklasan ba ay tinalakay kaugnay sa mga
nakaraang pananaliksik at sa konseptuwal/teoretikal na batayan? Ang mga datos ba na tinatalakay ay ang aktuwal na nakalap? May mga hindi ba kanais-nais na paglalahat na ginawa na lagpas sa simple ng pag-aaral? Ang mga limitasyon ba ng resulta ay tiniyak? Nabigyan ba ng katwiran ang kongklusyon?
Paano isusulat ang pagsusuri ng
pananaliksik?
Ang pagsulat ng pagsusuri ng
pananaliksik ay nakaangkla sa mga
tanong na inilahad sa unahan. Ngunit, ito ay may sinusunod na pangunahing hakbangin ayon sa San Jose State University (2005). Makikita ito sa kasunod na talahanayan.
Pangunahing hakbangin ayon sa San Jose State University (2005).
- Pamagat ng Pananaliksik
- Impormasyon ng Mananaliksik
- Sariling paglalahad ng layunin ng pananaliksik
- Paglalahad ng mga kaugnay na teorya/literatura
- Paglalahad ng mga suliranin
- Instrumentong ginamit (validity at realibility)
- Paglalarawan ng sample
- Paglalarawan ng etika sa pananaliksik
- Método sa pangangalap at pag-aanalisa ng datos
- Pagtalakay sa paglalahad ng resulta, rekommendasyon at konklusyon ng pananaliksik
Balangkas Konseptwal
▪︎isang sistema o estruktura ng mga konsepto na nagpapakita ng ugnayan at relasyon sa pagitan ng mga ito.
▪︎nagbibigay ng estruktura sa
pagsasaliksik o pag-aaral, nagbibigay ng direksyon sa mga katanungan ng pananaliksik, at naglalatag ng mga konseptwal na relasyon na maaaring subukan at suriin.
▪︎isang tool na ginagamit
sa iba’t ibang larangan tulad ng agham, sosyal na siyensiya, edukasyon, atbp.